Rosmar sa usapin ng divorce sa Pinas: "Walang masama na aprubahan"

Rosmar sa usapin ng divorce sa Pinas: "Walang masama na aprubahan"

- Nagpahayag ng kanyang opinyon si Rosmar ukol sa usapin ng divorce sa Pilipinas

- Ito ay matapos na umugong ang nasabing usapin na umuusad na umano sa Kamara

- Ani Rosmar, bagama't isa siyang katoliko, wala umano siyang nakikitang masama kung maaprubahan ang divorce

- Hiling pa niyang libre sana umano ang pag-file nito lalo na sa mga asawang labis na nasaktan upang hindi na raw ito gumastos pa ng malaki

Nagbigay ng kanyang opinyon ang kilalang CEO at social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin patungkol sa divorce sa Pilipinas.

Rosmar at mister na si Jerome Pamulaklakin (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Rosmar at mister na si Jerome Pamulaklakin (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Ito ay matapos na maging maingay muli ang usaping ito na sinasabing umuusad na sa Kamara.

Ayon kay Rosmar, wala umano siyang nakikitang masama sakaling tuluyan na nga itong maaprubahan.

"Ako Catholic ako at married din at the same time. Para sakin walang masama na aprubahan ang divorce, kasi nasa mag asawa naman yan. Mahirap ipilit kapag di na masaya at mahirap mag sama kung ayaw na talaga," ang bungad ng pahayag ni Rosmar.

Read also

Content creator, umano'y na-trauma sa nangulubot na mukha dahil sa facial mask

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, hindi niya umano nakikitang hahantong umano siya at ng kanyang mister na hiwalayang ito. Subalit, naiisip din naman niya ang mga mag-asawang hindi na talaga magawan pa umano ng paraan ang kaguluhan sa kanilang pagsasama.

"Sa akin never ko na isip na mag didivorce o maghihiwalay kami ng asawa ko dahil masaya kami araw araw pero paano naman ung mga nagsasakitan, naglolokohan at di na talaga masaya kahit anong pilit di ba? Deserve din nila makahanap ng swak para sa kanila"

Dagdag pa ni Rosmar, sana'y libre umano ang pag-file ng divorce lalo na raw sa mga taong labis na nasaktan at sobra-sobrang hirap ang dinanas sa pagsasama nila ng kanyang asawa.

"At sana maging libre ang pag file ng divorce kasi imagine nasaktan ka na, gagastos ka pa?"

Read also

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito.

Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica