Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"

Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"

- Ibinahagi ni Maja Salvador ang unang "family" picture nila

- Ito ay matapos niyang maisilang ang kanilang baby girl

- Sa larawan, makikita ang umano'y kamay niya at ng mister na si Rambo Nuñez hawak ang kanilang unang supling

- Inulan naman agad ng pagbati ang kanilang mga socmed page

Masayang ibinahagi ni Maja Salvador na siya'y nagsilang na sa kanilang baby girl ng mister na si Rambo Nuñez.

Maja Salvador, isinilang na ang kanilang baby girl: "Our Maria"
Maja Salvador (@maja)
Source: Instagram

Sa kanyang social media, ipinasilip ni Maja ang tila 'first' family picture nila.

May caption itong "Our Maria," kung saan makikita ang mga kamay ni Maja at Rambo, tangan ang kanilang unang baby.

Agad na inulan ng mga pagbati ang naturang post kung saan nabanggit din ni Maja na kanyang isinilang si "Maria" noong May 31, 2024.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Narito ang kabuuan ng naturang post:

Si Maja Ross Andres Salvador na mas kilala bilang si Maja Salvador ay isang aktres, dancer, television host, producer at talent manager sa Pilipinas. Bukod sa mga pelikula at kabi-kabilang teleserye na napapanood noon sa ABS-CBN, naging bahagi rin si Maja ng Eat Bulaga.

Noong Oktubre nang nakaraang taon, extended ang birthday celebration ni Maja sa Eat Bulaga. Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage. Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma. Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon.

Samantala, dinaluhan naman ng mga taong malalapit sa kanilang puso ang gender reveal noon ng baby nina Maja at Rambo. Ilan sa mga spotted na dumalo doon ay sina Kathryn Bernardo, Alora Sassam, Loisa Andalio, Chie Filomeno, Pooh at marami pang iba. Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Maja nang malamang girl ang first baby nila ni Rambo.

Read also

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang makeup tutorial video

Sa naging panayam naman sa kanya noon ni Bernadette Sembrano, matatandaang naikwento ni Maja kung paanong ang isang panaginip na mayroon umano siyang hawak na baby ang naging hudyat upang mag-PT siya at makumpirmang siya nga ay totoong nagdadalang tao na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel