JM de Guzman, binahagi ang reaksiyon sa panghaharana ni Donnalyn Bartolome

JM de Guzman, binahagi ang reaksiyon sa panghaharana ni Donnalyn Bartolome

- Binahagi ni JM de Guzman ang reaction video niya sa panghaharana ni Donnalyn Bartolome sa kanya

- Habang nanonood ay hindi napigilan ni JM ang mapangiti sa kanyang pinapanood

- Aminado siyang pakiramdam niya ay espesyal siya dahil sa giwang ito ni Donnalyn

- Matatandaang sa kanyang vlog ay sinabi ni Donnalyn na exclusively dating na sila ni JM pero hindi pa daw niya ito sinasagot dahil gusto niya magkakilala pa sila

Ibinahagi ni JM de Guzman ang isang reaction video kung saan makikitang tuwang-tuwa siya sa panghaharana sa kanya ni Donnalyn Bartolome. Sa nasabing video, kitang-kita ang hindi mapigilang ngiti ni JM habang pinapanood ang serenade ni Donnalyn.

JM de Guzman, binahagi ang reaksiyon sa panghaharana ni Donnalyn Bartolome
JM de Guzman, binahagi ang reaksiyon sa panghaharana ni Donnalyn Bartolome
Source: Youtube

Aminado si JM na pakiramdam niya ay espesyal siya dahil sa effort na ginawa ni Donnalyn.

Matatandaang sa isang vlog ni Donnalyn, ibinahagi niya na exclusively dating na sila ni JM. Gayunpaman, sinabi rin ni Donnalyn na hindi pa niya sinasagot si JM dahil nais pa nilang magkakilala ng mas mabuti. “Gusto ko muna kaming mas magkilala bago ko siya sagutin,” ani Donnalyn.

Read also

Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'

Ang kanilang sweet na interaction ay naging usap-usapan sa social media, kung saan marami ang kinikilig at nag-aabang sa susunod na kabanata ng kanilang love story.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: