Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"

Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"

- Binasag ni Andi Eigenmann ang kanyang katahimikan kaugnay sa video na lumabas kung saan kausap ni Philmar Alipayo ang isang babae

- Ani Andi, wala namang problema kung lumabas si Philmar, makipag-inuman paminsan-minsan o kausapin kung sino man ang gusto ni makausap

- Pero ani Andi, ang nakakahiya ay ang pag-post at pag-edit ng video para lang manggulo at magpapansin sa social media

- Matatandaang umani ng reaksiyon at komento ang video na binahagi ng mismong babaeng kausap ni Philmar sa video

Binasag ni Andi Eigenmann ang kanyang katahimikan kaugnay sa kontrobersiyal na video na lumabas kamakailan kung saan makikita si Philmar Alipayo, ang kanyang partner, na kausap ang isang babae.

Ani Andi, wala siyang nakikitang problema kung lumabas si Philmar kasama ang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, o makipag-usap sa kahit sino.

Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"
Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"
Source: Instagram

Ngunit binigyang-diin ni Andi na ang tunay na nakakahiya ay ang sinasadyang pag-post at pag-edit ng video na may layuning manggulo at magpapansin sa social media.

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

"He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that. What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention," ani Andi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"
Andi Eigenmann: "What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir"
Source: Instagram

Matatandaang umani ng sari-saring reaksiyon at komento ang naturang video, lalo na't mismong ang babaeng kausap ni Philmar ang nagbahagi nito sa social media.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Lie Reposposa, nagbahagi ng mensahe: "Never get tired of being a good person"

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ng ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel