Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya

Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya

- Inalmahan ni Diwata ang isang Facebook page na gumagamit sa pangalan niya

- Nag-post ito ng quote card na nakalagay sa picture ni Diwata upang ipakitang si Diwata ang nagsabi ng quote na kanilang nilagay

- Sinasabi sa naturang quote nagsasabing bawat magpa-picture daw kay Diwata ay 1500 ang dapat ibayad

- Pinabulaanan ito ni Diwata at sinabing sa kabila ng gawa-gawa nilang post ay naging trending siya kaya nagpasalamat na lang siya

Umalma ang kilalang personalidad na si Diwata sa isang Facebook page na gumagamit ng kanyang pangalan at larawan. Ang naturang page ay nag-post ng isang quote card na may kasamang larawan ni Diwata, na nagbigay impresyon na siya ang nagsabi ng nasabing quote.

Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya
Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya
Source: Facebook

Ayon sa post, sinasabing bawat magpa-picture kay Diwata ay dapat magbayad ng P1500. Agad itong pinabulaanan ni Diwata at nilinaw na walang katotohanan ang nasabing quote. Sa kabila ng gawa-gawang post, naging trending si Diwata at nagpasalamat na lamang siya sa naging atensyon.

Read also

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

"hello guys FAKE po yan hndi po ako to kaya kong sino kaman ang gumawa neto thankyou dahil trending nanamn ako eto guys ang Legit acct ko #diwataparesoverfanspage,” ani Diwata sa kanyang official social media account. Hinikayat din niya ang kanyang mga followers na maging mapanuri sa mga nababasa online at huwag basta-basta maniniwala sa mga hindi kumpirmadong impormasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel