Ogie Diaz, willing i-guide si Diwata: "Kahit walang bayad"

Ogie Diaz, willing i-guide si Diwata: "Kahit walang bayad"

- Naikwento ni Ogie Diaz ang tungkol sa pagkikita nila ni Diwata

- Kwento ni Ogie, dinalaw nila sa set ng Batang Quiapo ang alaga niyang si Kim Rodriquez kung saan naroon din si Diwata

- Nakausap din niya si Coco Martin na nabanggit ang concern niya kay Diwata

- Dahil dito, nag-offer ng tulong si Ogie at sinabing willing umano siyang gabayan si Diwata lalo na ngayong marami na umano ang nananamantala sa kasikatan niya

Nabigyan na ng pagkakataong magkita sina Ogie Diaz at Diwata. Ito ay sa set ng FPJ Batang Quiapo kung saan isa na rin si Diwata sa mga cast nito.

Ogie Diaz (Ogie Diaz FB) Ogie Diaz and Diwata (Diwata PARES OVerLoad Updates)
Ogie Diaz (Ogie Diaz FB) Ogie Diaz and Diwata (Diwata PARES OVerLoad Updates)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa bagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie, naibahagi ni Ogie ang concern ni Coco Martin kay Diwata.

Read also

Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"

"Feeling ni Coco, kailangan ng guidance ni Diwata dahil ang daming nagsasamantala sa kanya"
"Let's face it, sikat ngayon si Diwata. Kahit hindi siya aware na sikat siya. Ang daming lumalapit, nakikipag-collab kay Diwata. Tapos merong babayaran lang siya ng ganito. May magpapasuot sa kanya ng t-shirt ng isang pulitiko. Meron pang eksena, ipa-franchise yung pares."

Dahil dito, nagdesisyon si Ogie na maghandog ng serbisyo kay Diwata upang magabayan ito sa mga nangyayari sa kanyang negosyo maging sa pagiging isang internet personality.

"So guidance, para nasa right direction si Diwata. And I told Diwata, ito number ko, tawagan mo 'ko kung may concerns ka, pwede kitang i-guide. Kahit walang bayad, sabi ko sa kanya"
"Sabi ko kay Diwata, open ako diyan. Kung gusto mong mag-consult sa akin, for free. Para lang mai-guide ko siya hindi naman para pagkakitaan natin si Diwata."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Read also

Toni Fowler, nag-post ng throwback pics upang batiin sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel