Coco Martin, puring-puri si Diwata dahil sa ugali nito sa set

Coco Martin, puring-puri si Diwata dahil sa ugali nito sa set

- Pinuri ni Coco Martin ang online personality na si Diwata dahil sa kanyang dedikasyon at magandang ugali sa set ng "FPJ's Batang Quiapo"

- Nagsimula si Diwata bilang cameo sa serye, at dahil sa kanyang husay, naging regular cast member siya

- Ayon kay Coco, nakita niya ang potensyal ni Diwata sa pag-arte at ang commitment nito sa trabaho

- Bukod sa talento, hinangaan din ni Coco ang pagiging mabait at professional ni Diwata sa set.

Ibinahagi ni Coco Martin na ang cameo ni Diwata sa "FPJ's Batang Quiapo" ay nagbukas ng pinto para maging regular cast member ang online personality sa nasabing serye. Sa panayam ni MJ Felipe ay binahagi ni Coco ang ugali ni Diwata sa set.

Coco Martin, puring-puri si Diwata dahil sa ugali nito sa set
Coco Martin, puring-puri si Diwata dahil sa ugali nito sa set
Source: Youtube

Matapos ang cameo ni Diwata sa serye, kinausap ni Coco si Diwata upang malaman ang kanyang mga plano sa show business.

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Pinakita ni Diwata kay Coco na ang kanyang pagiging seryoso sa trabaho.

"May commitment 'yan, kami nagte-taping ng M-W-F (Lunes-Miyerkules-Biyernes). Sabi niya, ‘kahit ano po wala pong ano’ kumbaga 'yung dedication nandoon. Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya, busy siya, ang dami niyang nakakausap na tao," ani Coco.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nang magsimula si Diwata sa taping ng "Batang Quiapo," nakita ni Coco ang potensyal ng online personality pagdating sa pag-arte.

Bukod sa acting potential, pinuri rin ni Coco ang work ethic ni Diwata sa set.

“Ang gusto ko sa kanya, kasi dahil galing din sa baba, alam mo 'yung naiintindihan niya 'yung trabaho ng lahat. Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. Nandun lang siya sa isang tabi, tahimik. Tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin," ani Coco.

Read also

Diwata, binenta ng Php3,000 kay Boss Toyo ang unang kaldero niya sa paresan

“Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo 'yung tao na gusto niyang iimprove 'yung buhay niya, 'yung sarili niya," dagdag pa niya.

Sa "Batang Quiapo," ginagampanan ni Diwata ang papel ni Frida, isang matchmaker sa pagitan nina Tanggol (Coco) at Bubbles (Ivana Alawi). Napansin ni Frida ang chemistry sa pagitan ng dalawa at tinutulungan sila na maipahayag ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Read also

Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel