Rabiya Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Rabiya Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

- Nagbahagi si Rabiya ng kanyang mensahe upang ihayag ang suporta niya sa pambato ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant 2024

- Binigyang pugay ni Rabiya ang 'hardwork at scrifice' ni Alexie Brooks at ng team nito ilang oras bago ang coronation night

- Aniya, manonood siya at isisigaw ang pagsuporta niya kay Alexie na kagaya niya ay mula sa Iloilo

- Dagdag pa ni Rabiya, dasal niyang isang Ilonga uli ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe

Nagbahagi si RabiyaMateo ng kanyang mensahe upang ihayag ang suporta niya sa pambato ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant 2024. Sa kanyang post sa social media, binigyang pugay ni Rabiya ang 'hard work at sacrifice' ni Alexie Brooks at ng kanyang team ilang oras bago ang coronation night.

Rabiya Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks
Rabiya Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks
Source: Instagram

Aniya, "I can’t wait to see you later on the MUPH stage. I’ll be screaming on top of my lungs as I cheer for you. I know you’re gonna do very well." Dagdag pa ni Rabiya, dasal niyang isang Ilongga muli ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Ang mensaheng ito ni Rabiya ay nagbigay inspirasyon hindi lamang kay Alexie Brooks kundi pati na rin sa kanilang mga kababayan sa Iloilo, na nagkaisa sa pag-aabang sa posibleng tagumpay ng kanilang kinatawan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Matatandaang isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug. Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor. Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa. Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito. Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate