Paolo sa napabalitang hiwalayan nila ni Yen Santos: "I’d like to keep my personal life personal"

Paolo sa napabalitang hiwalayan nila ni Yen Santos: "I’d like to keep my personal life personal"

- Natanong kay Paolo Contis ang tungkol sa pag unfollow ni Yen Santos sa kanya kamakailan

- Gayunpaman, minabuti ni Paolo na huwag nang magkomento tungkol dito dahil aniya ay gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay

- Matatandaang nagsimulang kumalat ang chika ng breakup ng celebrity couple nang burahin lahat ni Yen ang lahat ng litrato nila ni Paolo

- Bukod dito, in-unfollow din ni Yen ang lahat ng mga pina-follow niya sa Instagram kabilang na si Paolo

Natanong kay Paolo Contis ang tungkol sa pag-unfollow ni Yen Santos sa kanya kamakailan. Gayunpaman, minabuti ni Paolo na huwag nang magkomento tungkol dito dahil aniya ay gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.

Paolo sa napabalitang hiwalayan nila ni Yen Santos: "I’d like to keep my personal life personal"
Paolo sa napabalitang hiwalayan nila ni Yen Santos: "I’d like to keep my personal life personal"
Source: Instagram

Matatandaang nagsimulang kumalat ang chika ng breakup ng celebrity couple nang burahin lahat ni Yen ang lahat ng litrato nila ni Paolo. Bukod dito, in-unfollow din ni Yen ang lahat ng mga pina-follow niya sa Instagram, kabilang na si Paolo.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Sa panayam na binahagi ng reporter na si MJ Marfori, hindi nakaligtas si Paolo Contis nang tanungin tungkol sa kanila ni Yen Santos.

Iwas na iwas ang Kapuso actor at TV host sa isyu ng paghihiwalay umano nila ng girlfriend niyang si Yen.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagot ni Paolo, hindi raw muna siya magsasalita ng anuman tungkol sa kanila ni Yen dahil gusto niyang gawing pribado kung anuman ang nangyayari sa personal niyang buhay.

“No comment! As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” ang pag-iwas ng Kapuso star sa isyu.

Kasalukuyang naka-follow pa rin naman si Paolo kay Yen pero in-unfollow niya ang lahat ng nasa kanyang IG list. Hindi rin niya binura ang mga photos nila ni Yen sa IG.

Read also

Majo aka You Do Note Girl, umalma sa mga body shamers

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Binati ni Paolo si Yen Santos sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-30 taon ngayong araw, November 20, 2022. Kalakip ng kanyang pagbati kay Yen na kanyang tinawag na "My Best Actress" ay ang mga pictures nilang dalawa. Ito ang unang pagkakataon na nag-post ang aktor ng picture nila ni Yen na magkasama matapos masangkot sa kontrobersiya. Matatandaang nagkatrabaho sina Yen at Paolo sa pelikulang A Faraway Land kung saan ginawaran nga kamakailan si Yen ng Best Actress sa ginanap na 45th Gawad Urian.

Si Yen ang tinanghal na best actress sa ginanap na 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang leading man sa pelikulang A Faraway Land na si Paolo. Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo. Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel