Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang kanyang mensahe para sa yumaong asawa na si Jho Rovero

- Ito ay sa pagdiriwang ng Mother's Day nitong Linggo kung saan pinuntahan nila ng kanilang mga anak ang puntod ni Jho

- Sa kanyang mensahe, sinabi ni Andrew na si Jho ang kanilang 'angel, and our guiding light' sa langit

- Alam daw niyang masaya itong nakamasid sa kanila dahil nakikita niya silang masaya

Sa pagdiriwang ng Mother's Day nitong Linggo, dinalaw ni Andrew Schimmer kasama ang kanyang mga anak ang puntod ng yumaong asawa na si Jho Rovero.

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang untod ni Jho Rovero nitong Mother's Day
Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang untod ni Jho Rovero nitong Mother's Day
Source: Facebook

Sa kanyang heartfelt na mensahe, ibinahagi ni Andrew ang kanyang mga saloobin para sa kanyang asawa na itinuturing niyang kanilang 'angel at gabay' sa langit. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok sa buhay, at ang patuloy na pagtahak sa landas kahit gaano man ito kahirap.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan matapos niyang itama ang babaeng tinawag siyang 'Sabrina'

Ani pa ni Andrew, sa bawat hakbang na ating ginagawa, laging tandaan na mayroong sumusuporta at nagmamatyag sa atin mula umpisa hanggang wakas ng ating paglalakbay.

Sa kabila ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, patuloy na naghahari ang pag-asa at ligaya sa puso ni Andrew sa pag-alala sa kanyang asawa. Sinabi niya na naniniwala siyang masaya si Jho sa langit, na patuloy na nagmamasid sa kanilang mag-aama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang mensahe, binati ni Andrew ang kanyang asawa ng isang masayang Mother's Day sa langit, at nawa raw ay patuloy nito silang gabayan.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Read also

Rosmar Tan, inihatid ang mga gamit para sa bahay na binigay kay Diwata

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko. Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family. Pinasalamatan nito si Andrew sa pagbibigay niya ng pag-asa sa kanya kagaya ng pinagpapasalamat din ni Andrew.

Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito. Gayunpaman, nanatili daw ang friendship nila ni Andrew at ngayon nga ay natuloy raw ang pagmamahalan nila. Isang commenter naman na binahagi din ng gf ni Andrew ang nagsabing hindi magkakakilala sina Andrew at ang gf nito noon kaya hindi totoo ang sinasabi nitong hula niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel