Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera

Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera

- Kumasa rin sa Marimar trend si Zeinab Harake na ibinahagi niya sa kanyang mga socmed platforms

- Inspirasyon niya umano ang kanyang idolo na si Marian Rivera

- Matatandaang naging emosyonal pa noon si Zeinab nang una niyang makasama si Marian

- Kamakailan lamang ay pumalo ng mahigit 50 million views ang Asoka challenge niya sa TikTok

Mabilis na nag-viral ang Marimar video ni Zeinab Harake na kanyang ibinahagi ngayong May 13.

Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera
Zeinab Harake (@zeinabharake)
Source: Instagram

Sa kanyang iba't ibang social media platforms, ibinahagi niya ang sarili niyang bersyon na unang ginawa ng kanyang idolong si Marian Rivera.

"Marimar trend. Palagi kang magiging inspirasyon My idol @marianrivera" ang caption ng kanyang video.

Matatandaang idolo talaga ni Zeinab si Marian. Katunayan, sa una nilang pagkikita noong Enero 2023, hindi napigilang maiyak ni Zeinab sa saya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Samantala, kamakailan lamang ay mabilis ding nag-viral ang Asoka challenge ni Zeinab na pumalo sa mahigit 50 million views sa loob lang ng ilang araw.

Narito ang kabuuan ng Marimar video ni Zeinab na umani ng papuri 'di lang sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya Youtube stars at ilang mga celebrities.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang 'Daddy Ray' ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel