KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

- Ibinahagi ni KC Concepcion ang top 10 na mga regalo sa kanya ng inang si Sharon Cuneta

- Pinasalamatan din niya ito hindi lamang sa mga regalo kundi sa mga natutunan niya sa ina

- Sa kabila ng kontrobersiyal na pahayag ni Sharon tungkol sa kanila ni KC, binati pa rin siya ng anak ngayong Mother's Day

- Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni Sharon na "estranged" umano sila ng kanyang panganay na anak

Sa kanyang vlog na inilabas ngayong Mother's Day, ibinahagi ni KC Concepcion ang top 10 na nairegalo sa kanya ng inang si Sharon Cuneta.

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta
KC Concepcion (Kristina KC Concepcion YouTube)
Source: Youtube

Bukod sa mga mamahaling gamit tulad ng mga alahas at bags, ipinakita rin ni KC ang ilang mga librong ibinigay sa kanya ng ina.

"Kasi alam niyo, working mom si Mama and maraming makaka-relate na 'pag single mom ka, you really sacrifice 'yung time mo to work for your children. So I think, one of the ways na pinakita ni Mom 'yung love niya sa'kin is to give me books that will help me educate myself."

Read also

Dianne Medina sa 'pool issue': 'Pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan'

Ipinakita rin ni KC ang photo album ng kanyang 3rd birthday party celebration. Doon daw kasi makikita ang oras ng nilalaan ng Megastar kay KC upang ipagdiwang ang espesyal na araw gaya ng kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento rin ni KC na si Sharon ang dumadalo noon sa mga PTA meetings sa kanyang paaralan.

"Parang siya lang 'yung young cool mom ma dumadating do'n," paglalarawan pa ni KC.

At sa huli, ibinahagi niyang nasa kanya ang wedding ring ng ina nang ikasal ito noon sa ama niyang si Gabby Concepcion.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog mula sa kanyang YouTube channel na Kristina KC Concepcion:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Kamakailan, gumulantang sa publiko ang umano'y pahayag ni Sharon na 'estranged' umano sila ng kanyang panganay na si KC. Kaya naman nang ilabas ni KC ang Mother's Day vlog na ito, marami ang natuwa na sa kabila ng pinagdaraanan ng mag-ina, di pa rin nakalimot si KC na bigyang pugay ang kanyang Mama sa araw nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel