Rosmar Tan, inihatid ang mga gamit para sa bahay na binigay kay Diwata
- Pinakita ni Rosmar Tan ang video ng paghatid nila ng mga gamit para sa bahay ni Diwata na galing din sa kanya
- Kabilang sa dinala nila ay higaan, mesa, upuan, water dispenser at sofa
- Sa kanilang pagpunta sa paresan ni Diwata, kasama niya ang kanyang asawa at mga anak at kanyang staff
- Makikita din sa vlog ang loob ng bahay na pwede ring gawing opisina ni Diwata
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binahagi ni Rosmar Tan ang video ng kanyang paghatid ng mga kagamitan para sa bahay ni Diwata. Sa kanyang pinost na video, ipinakita ni Tan ang kanilang paghahatid ng mga kagamitan, kabilang ang higaan, mesa, upuan, water dispenser, at sofa.
Kasama ang kanyang pamilya at mga tauhan, masaya nilang ipinakita ang pagtungo sa tahanan ni Diwata. Sa kanyang vlog, naipakita rin ang loob ng bahay, kung saan maaari ring magamit bilang opisina ni Diwata.
Sinubukan din nilang kumain ng mga tinitindang pagkain ni Diwata na pinipilahan palagi ng mga kustomer. Nagbiro pa si Rosmar na hindi daw masarap ang pagkain ni Diwata kundi sobrang sarap.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Source: KAMI.com.gh