Rosmar Tan, binigyan ng P10,000 ang isang palaboy na gustong makahanap ng trabaho

Rosmar Tan, binigyan ng P10,000 ang isang palaboy na gustong makahanap ng trabaho

- Nabiyayaan ang isang lalaki na naroroon sa paresan ni Diwata nang pumunta si Rosmar Tan

- Hindi nito napigil ang luha nang mabigyan siya ng sampong libong piso mula kay Rosmar

- Binahagi ni Rosmar ang screenshot ng post mula sa Facebook page na "Blogger ng Bayan" upang mahanap ang naturang lalaki na nagsabing gagamitin daw sa paghahanap ng trabaho ang perang natanggap

- Ayon kay Rosmar, bibigyan niya na ng trabaho ang naturang lalaki bilang staff sa paresan niya at sasahod ng minimum wage at mayroon na ring libreng tirahan, pagkain, benefits at 13th month pay

Naghatid ng pag-asa at oportunidad si Rosmar Tan sa isang palaboy na handang magbagong-buhay. Binigyan niya ng P10,000 ang lalaking nagnanais na magkaroon ng trabaho.

Rosmar Tan, binigyan ng P10,000 ang isang palaboy na gustong makahanap ng trabaho
Rosmar Tan, binigyan ng P10,000 ang isang palaboy na gustong makahanap ng trabaho
Source: Facebook

Sa video na binahagi ng Facebook page na 'Blogger ng Bayan,' hindi mapigilang maluha ng lalaki habang karga at yakap-yakap ang isang aso.

Read also

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

Ibinahagi rin ni Rosmar ang screenshot ng post mula sa Facebook page na "Blogger ng Bayan." Layunin niyang matukoy ang lalaki at tulungan siyang maisakatuparan ang kanyang hangarin na magkaroon ng trabaho.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napagpasyahan ni Rosmar na bibigyan niya ng trabaho ang naturang lalaki bilang staff sa kanyang paresan. Magsasahod daw ito ng minimum wage na sahod, libreng tirahan, pagkain, benepisyo, at 13th month pay.

Ang ginawang ito ni Rosmar Tan ay hindi lamang nagdulot ng pag-asa sa buhay ng lalaki kundi nagsilbi din itong inspirasyon sa iba na tumulong sa kapwa.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Mura, emosyonal na humiling ng tulong matapos masunugan ng bahay

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel