Joey de Leon, trending dahil sa hirit sa birthday ni Miles: "Pataba, ay pababa!"
- Trending sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Joey De Leon kalakip ang video clip na kuha sa Eat Bulaga
- Makikita sa video clip ang pagbati nila kay Miles Ocampo sa kaarawan nito kalakip ang kanilang mga hirit
- Nauna si Tito Sotto na nagsabing pataas! Pataas umano ang edad ni Miles na ginaya naman din ni Miles kung paano sabihin iyon ni Tito
- Sagot naman ni Joey, "Pataba! Ay Pababa" na agad sinalo ni Vic Sotto sa pamamagitan ng pagpapakita ng cake para kay Miles
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ang pangalan ni Joey de Leon ay biglang nag-trend sa X (dating Twitter) matapos ang kanyang hirit sa pagdiriwang nila ng kaarawan ni Miles Ocampo sa Eat Bulaga.
Sa isang video clip na kumalat, makikita ang masayang pagbati ng mga host kay Miles Ocampo sa kanyang kaarawan, kabilang na ang mga biro ni Joey de Leon.
Unang nagpahayag ng komento si Tito Sotto na nagsabing "pataas!" na sinundan naman agad ni Miles ng pagbibigay ng parehong biro. Hindi naiwasan ni Joey de Leon na magbigay din ng kanyang hirit, "Pataba! Ay Pababa!" na agad namang sinalo ni Vic Sotto sa pamamagitan ng pagpapakita ng cake para kay Miles.
Ang naturang video clip ay agad nag-viral at pinag-usapan ng mga netizens, na nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa naturang eksena sa Eat Bulaga.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Joey de Leon ay isang actor, comedian at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga nirerespestong haligi ng industriya ng showbiz kung saan unang nakilala sa trio nilang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nasabi ni Joey na ang pagkakaisip niya ng pangalan ng 'Eat Bulaga' ang maituturing niyang greatest legacy. Naikwento niya rin kung saan niya nakuha ang ipinangalan sa ngayo'y itinuturing na longest-running noontime show sa bansa. Naibahagi pa ni Joey ang pagsisimula ng TVJ (Tito, Vic and Joey) na ngayo'y nasa 50 taon na sa industriya ng showbiz. Sa ngayon, ika-44 taon na ng Eat Bulaga na patuloy na naghahatid saya sa pananghalian ng mga Pilipino.
Naging usap-usapan sa Twitter ang umano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher. Nakarating na rin mismo sa programa ni Ogie Diaz ang bali-balitang ito subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon. Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school. Nabanggit din umano sa naturang sulat na ang ticket, pamasahe at snacks ay sagot pa rin ng estudyante.
Source: KAMI.com.gh