Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

- Nagbigay ng pahayag ang negosyanteng si Cedric Lee matapos niyang sumuko sa NBI

- Matatandaang nahatulan siya at ilan pang kasamahan na guilty sa serious illegal detention case sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro

- Ayon pa kay Lee, dedepensahan niya ang sarili niya hanggang sa huli

- Iginiit din niyang hindi nila idinitene si Navarro sa insidente noong 2014

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee. Ito ay kasunod ng hatol ng guilty sa kanya sa kasong serious illegal detention na isinampa ni aktor Vhong Navarro.

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"
Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"
Source: Youtube

Sa ulat ng GMA News sinabi ni NBI Director Medardo de Lemos, kusang-loob na sumuko si Lee at may namagitan sa kanilang ahensya at nagsabing nais na niyang tapusin ang kasong kinakaharap.

"Kusang loob niya ito. May namagitan sa amin na gustong niyang sumuko kaya't kami ay nakipag-ugnayan kay Cedric Lee," ani De Lemos.

Read also

Barbie Imperial sa netizen na nagkomento tungkol sa kanyang stretchmarks: "It's normal"

Sinabi rin ni De Lemos na ligtas ang negosyante sa kanilang pangangalaga at mahigpit ang seguridad sa lahat ng mga nakadetene.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit mariing itinanggi ni Cedric Lee ang lahat ng mga paratang laban sa kanya. Aniya, hindi sila nagtangka na detenihin si Navarro noong 2014 at walang ransom na hiningi mula sa aktor.

"Mag-aappeal kami. We will exhaust all legal remedies… Walang illegal detention na nangyari. Kung titingnan niyo lahat ng elements ng crime, wala," mariing pagtanggi ni Lee.

Aniya, hindi ransom ang perang binigay ni Vhong.

"Hindi ransom yun. Wala yung mga elements. Nagkasakitan lang ng kaunti. Slight injuries. May nasaktan din naman sa amin noong lumaban siya," dagdag pa niya.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Read also

Cedric Lee at Deniece Cornejo, hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate