Jiro Manio, naikwentong natutong magsugal sa murang edad sa pelikulang Mila
- Naikwento ni Jiro Manio na natuto umano siyang magsugal sa paggawa ng pelikulang Mila
- Sa panayam sa kanya ni Aiko natanong siya nito kung ano ang best at worst movie na kanyang nagawa
- Naisagot ni Jiro ang Magnifico bilang best movie para sa kanya
- Sa ngayon, paminsan-minsang nagkakaroon ng pagkakataon si Jiro na makaarte muli sa ilang mga music videos na ang isa ay ipalalabas ngayong Mayo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez, natanong si Jiro Manio kung ano ang best at worst na pelikula na kanyang nagawa.
Hindi naman nagdalawang-isip si Jiro na sagutin ito at sinabi rin niya ang rason sa likod ng kanyang mga sagot.
"Best movie ko du'n siguro yung Magnifico. Worst ko 'dun Mila," ani Jiro.
"Kasi sa Ermita namin shinooting 'yun. Marami akong kalaro 'nun, nagka-kara krus pa kami. Nagsusugal talaga kami. Pera pera tapos tinuruan din nila ako kung paano mag-kara krus."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin niya kung bakit kinailangan niya umanong matutong magsugal dahil sa rin sa karakter niyang ginagampanan
"Kasi ang role ko 'dun si 'Peklat'. Ako 'yung estudyante ni Ms. Maricel na loko-loko na walang tatay. 'Di ako marunong magbasa."
Aniya, maging sa labas na ng kanilang pelikula nagagawa niya ang naturang sugal.
"Nadala ko hanggang pag-uwi namin," giit ni Jiro.
Narito ang kabuuan ng talakayan nila mula sa Aiko Melendez YouTube channel:
SI Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico.'
Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Ai-ai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-Ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab mataposumano itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.
Enero ng kasalukuyang taon nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk. Doon nabanggit ni Jiro na hindi umano siya basta-basta makakabalik sa showbiz. Ito ay dahil sa binawalan pa rin daw siya ng kanyang doktor sa rehab. Aniya, patuloy pa rin umano ang pag-inom niya ng gamot sa mga panahong iyon at maari lamang magdulot ng stress kung magiging kabi-kabila na naman ang proyekto niya sa showbiz. Gayunpaman, may ilang tinanggap na proyekto si Jiro tulad ng paglabas sa ilang music video ng bandang Lily.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh