Diwata Pares Overload, magbubukas umano ng mga branch sa Luzon, Visayas at Mindanao
- Ibinahagi ni Diwata na magkakaroon na ng mga branch ang kanyang Pares Overload
- Pinagkakaabalahan na niya ang pagbubukas sa iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at sa Mindanao
- Ito ay para madali umanong mapuntahan ng kanyang mga suki ang binabalik-balikan na pares
- Bukod sa kanyang negosyo na Diwata Pares Overload, bahagi na rin siya ng seryeng Batang Quiapo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naikwento ni Diwata sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ang balak niyang pagpapalago ng kanyang negosyo.
Isa ito sa mga nasabi ni Diwata na bahagi ng kanyang pangarap na ngayo'y kanya na niyang tinutupad.
"Plano ko talaga siyempre yumaman. Kaya ngayon, i-expand ko pa yung Diwata Pares Overload ko, Luzon, Visayas, Mindanao. Para 'yung iba hindi na pumila. For example, may Davao ako 'yung mga taga Davao hindi na pupunta ng Pasay para tikman yung Pares ko."
Doon naikwento ni Diwata na talaga umanong dinudumog ang kanyang Pares Overload mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at maging ang mga galing pa umano sa ibang bansa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Iba't ibang lugar. Hindi ko lang alam kung galing talaga sila doon. Ang nakakatuwa nga, ibang bansa, paglapag ng airport, kain muna sa akin. Tapos yung iba paalis pa lang dadaan sa akin. Parang ganun, tapos merong galing probinsya, na pumunta lang talaga doon para tikman yung pares ko."
"So nakakatuwa, ang sarap ng feelings talaga na nag-e-effort pa sila na matikman yung pares ko, unli rice with softdrinks, 100 pesos e gumastos pa sila ng pagkamahal-mahal sa pamasahe. So natutuwa naman ako doon. Maraming Salamat sa inyo"
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:
Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.
Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.
Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh