Neil Arce sa birthday greeting ni Dimples Romana kay Angel Locsin: "Thank you daw"

Neil Arce sa birthday greeting ni Dimples Romana kay Angel Locsin: "Thank you daw"

- Sinagot ni Neil Arce ang pagbati ni Dimples Romana sa kaibigan niyang si Angel Locsin sa kaarawan nito

- Pinaabot ni Neil ang pasasalamat ni Angel sa pagbati ni Dimples sa pamamagitan ng pag-comment sa post ni Dimples

- Binuking naman ni Dimples na magkakasama at magkakatabi sila kaya mas okay daw kung sinabi na lang ni Neil ito sa kanya

- Matatandaang matagal na ring nagpahinga si Angel sa pag-post sa social media ngunit ani Dimples ay gusto lang daw ni Angel ng tahimik na buhay

Sinagot ni Neil Arce ang pagbati ni Dimples Romana para sa kaibigan niyang si Angel Locsin na asawa niya sa kaarawan nito.

Neil Arce sa birthday greeting ni Dimples Romana kay Angel Locsin: "Thank you daw"
Neil Arce sa birthday greeting ni Dimples Romana kay Angel Locsin: "Thank you daw"
Source: Instagram

Sa isang post ni Dimples sa kanyang social media account ay nagbahagi siya ng pagbati para kay Angel. Sinagot ni Neil Arce ng isang simpleng "Thank you daw" ang post ni Dimples.

Read also

Alex Gonzaga, pinarinig ang pagkanta ni Mikee Morada ng 'Asoka trend': "LSS sya"

Agad namang napansin ng mga tagasuporta at tagasubaybay ni Angel ang sagot na ito ni Neil. Marami sa kanila ang nangamusta sa aktres.

Sa kabilang banda, ibinunyag ni Dimples sa kanyang pagsagot na magkakasama at magkakatabi sila nina Angel at Neil sa sandaling ito. Dahil dito, idiniin niya na mas mainam sana kung personal na sinabi ni Neil ang pasasalamat sa kanila kaysa ipahayag ito sa publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, nananatili ang katahimikan ni Angel. Matatandaang matagal na ring nagpahinga si Angel sa pag-post sa social media ngunit ani Dimples ay gusto lang daw ni Angel ng tahimik na buhay.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel