Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Totoo naman, inspired kay Diwata"

Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Totoo naman, inspired kay Diwata"

- Sinagot ni Rosmar Tan ang komento sa kanya kaugnay sa kanyang tinayong Rosmar Overload Pares

- Aminado siyang inspired sa negosyo ni Diwata ang kanyang paresan pero aniya ay hindi naman ito kumpitensiya kay Diwata dahil malayo naman ang lugar ng kanilang negosyo

- Pinuri rin niya si Diwata dahil aniya ay totoo ang kanyang sinasabi na hilaan pataas at hindi pababa

- Mismong si Diwata daw ang nagsabi sa kanya na ituloy nito ang balak niyang negosyo at nagbahagi pa ito ng tip

Sa isang TikTok video, inamin ni Rosmar Tan, ang may-ari ng Rosmar Overload Pares, na "inspired" kay Diwata ang kanyang paresan.

Matapos ang pagtanggap ng maraming komento hinggil sa kanyang bagong negosyo, nagpahayag siya ng kanyang saloobin ukol dito.

Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Totoo naman, inspired kay Diwata"
Rosmar Tan sa nagsabing gaya-gaya siya kay Diwata: "Totoo naman, inspired kay Diwata"
Source: TikTok

Hindi pinagkaila ni Rosmar na hango sa negosyo ni Diwata ang Rosmar Pares Overload. Inamin niyang nakatanggap siya ng suporta mula kay Diwata sa pagtatayo ng Rosmar Overload Pares.

Read also

Rosmar Tan, binahagi ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Diwata

Gayunpaman, iginiit niya na hindi ito dapat tingnan bilang isang laban sa pagitan nila ni Diwata, sapagkat ang kanilang mga negosyo ay nasa magkalayong lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang ito, binigyang-pugay din ni Rosmar si Diwata sa kanyang prinsipyo na "hilaan pataas, hindi pababa."

Bukod dito, ibinahagi rin ni Rosmar Tan na si Diwata mismo ang nagtulak sa kanya na ituloy ang kanyang balak na negosyo at nagbahagi pa ito ng mga mahahalagang payo at tips sa kanya.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Read also

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate