Asawa ni Morisette, binahagi ang pagkanta ni Mori sa event: "I wish I sound this good when I’m sick"

Asawa ni Morisette, binahagi ang pagkanta ni Mori sa event: "I wish I sound this good when I’m sick"

- Binahagi ni Dave Lamar ang isang video clip ng performance ni Morisette Amon na kuha sa isang event kamakailan kung saan may sakit daw siya

- Puring-puri ni Dave ang asawa dahil sa husay pa rin nito sa kabila ng pagkakasakit

- Matatandaang matapos ilabas ng isang direktor ang kanyang sintimyento sa isang singer ay minabuti ni Morisette na magsalita tungkol dito

- Sinabi ni Morisette na kahit may sakit siya ay tinuloy niya ang kanyang pagkanta sa naturang event

Ibinida ni Dave Lamar ang husay ng kanyang asawang si Morisette Amon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang video clip ng kanyang pagkanta sa isang event kamakailan. Ito ay sa gitna ng intriga dahil sa blind item post kamakailan ng isang direktor.

Asawa ni Morisette, binahagi ang pagkanta ni Mori sa event: "I wish I sound this good when I’m sick"
Asawa ni Morisette, binahagi ang pagkanta ni Mori sa event: "I wish I sound this good when I’m sick"
Source: Facebook

Ani Dave, kahit may sakit si Mori ay napakahusay pa rin nito.

Man, I wish I sound this good when I’m sick. But then again, don’t we all? HAHA

Read also

Kim Chiu, kinaaliwan sa post niya tungkol sa aniya'y pinsan niya

Aniya, parang hindi siya makapaniwala na ganoon pa rin kaganda pakinggan ang pagkanta ng kanyang asawa sa kabila ng iniinda nitong sakit noong araw na iyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

But real talk, I took this clip of Mori during this event because I couldn’t believe she still sounded this good despite being sick this day. Whatta trooper!

Si Johanne Morissette Daug Amon, o mas kilala sa kanyang stage name, na Morissette ay isang kilalang singer hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang panig ng mundo matapos maging usap-usapan ang mahusay niyang pagkanta. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Factor ng TV-5 sa edad na 14.

Matatandaang isinapubliko ni Morissette ang kanyang pagpapakasal kay Dave Lamar. Sa kanyang pagbabahagi ng balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib ay nakatanggap ng maraming pagbati ang mang-aawit. Nagbahagi din siya ng kanyang mensahe sa asawa kung saan inihayag niya ang pagmamahal niya dito. Naibahagi din ng Nice Print Photography ang ilan sa mga pictures na kuha sa kanilang pagpapakasal.

Read also

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

Sa kanyang pag-guest sa Magandang Buhay, naibahagi ni Morissette ang ilang detalye kaugnay sa pagpapakasal nila ni Dave. Aniya, tinago niya muna ang kanilang pagpapakasal dahil gusto umano niya ng pribadong seremonya upang ma-enjoy umano nilang mag-asawa at ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa naturang guesting ay naibahagi niyang hindi pa sila nakakapag-honeymoon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel