Ogie Diaz sa mga artistang ingles nang ingles: "Ba’t di na lang magtagalog?"
- May mensahe si Ogie Diaz sa mga artistang panay ang ingles kahit sila'y mali-mali ang grammar
- Sa kasamaang palad, ang ilan sa kanila ay napupuna ng netizens na kinokorek ang kanilang pananalita
- Paalala ni Ogie na maari namang mag-Tagalog at hindi naman ito magiging dahilan para isumpa sila ng kanilang fans
- Karamihan naman sa mga komento ay sumang-ayon kay Ogie at magsilbing paalala ito sa mga artista
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon ang post ni Ogie Diaz patungkol sa mga artistang mahilig umanong mag-ingles ngunit mali-mali.
Paalala ni Ogie na wala umanong masamang mag-tagalog lalo na kung marami nang netizens ang pumupuna sa pananalita ng tinutukoy na mga artistang ito.
"Bakit ba pinipilit mag-Ingles ng ilang artista kung mali-mali naman ang grammar at syntax?" panimula ni Ogie.
"Wala namang masama kung kumportable silang nag-i-Ingles, pero kino-correct na sila ng ilang netizen sa comment section ng mga posts nila o sa video interview nila, ba’t di nila gawan ng paraan?" dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Ogie, hindi naman umano itatakwil ng fans ang kanilang iniidolo kung hindi ito madalas na mag-ingles.
"'Di naman kayo isusumpa ng mga tagahanga n’yo kung mag-i-straight tagalog kayo o Taglish, no! Bababa ba ang premium n’yo kung magtatagalog kayo?"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.
Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabahagi niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.
Bukod dito, matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte. Naging kontrobersyal ang pahayag niyang ito subalit marami pa rin ang nakauunawa bakit niya ito nasabi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh