4th Impact, humingi ng tulong para makabili ng farm para sa 200 nilang aso

4th Impact, humingi ng tulong para makabili ng farm para sa 200 nilang aso

- Humingi ng tulong ang grupong 4th Impact para mabilhan ng lupa ang kanilang mga alagang aso na umabot na sa 200

- Sa kanilang ginawang gofundme ay sinabi nila na nagkaroon sila ng problema matapos silang mareklamo dahil sa ingay ng kanilang mga alaga

- Dahil napamahal na daw sa kanila ang kanilang mga alaga at pamilya ang turing nila dito ay hirap silang i-let go ang mga ito

- Umani naman ng mga samu't-saring reaksiyon ang kanilang pag-fund raising para sa bibilhing lupa para sa alaga nila

Humingi ng tulong ang grupong 4th Impact para daw makabili sila ng farm para sa kanilang furbabies. Nag-fund raising sila dahil ayon sa kanilang ginawang gofundme ay nareklamo sila ng kapitbahay dahil sa ingay ng kanilang alaga.

4th Impact, humingi ng tulong para makabili ng farm para sa 200 nilang aso
4th Impact, humingi ng tulong para makabili ng farm para sa 200 nilang aso
Source: Instagram

Anila, pamilya ang kanilang turing sa bawat isa sa kanilang mga alaga kaya hangga't maari ay ayaw nila itong mawalay sa kanila. Kaya naman sa gusto daw nilang bumili ng lupa kung saan magiging maayos ang buhay ng alaga nilang aso na umabot na sa 200.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Umani naman ng mga samu't-saring reaksiyon ang kanilang pag-fund raising para sa bibilhing lupa para sa alaga nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang 4th Impact ay isang girl group na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado. Sumikat nang husto ang grupo nang sumali sila sa twelfth season ng British singing contest na The X Factor kung saan nanalo sila bilang 5th place.

Kabilang ang 4th Impact sa mga nagpakitang gilas ng husay ng Pinoy sa larangan ng pagkanta na hinangaan ng mga tao matapos silang mapanuod sa patimpalak abroad. Maging sina Marcelito Pomoy at ang TNT Boys ay kinabiliban dahil sa kanilang pinamalas na talento.

Matatandaang ibinahagi ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado ng 4th impact ang kalagayan ng kanilang mga magulang. Parehas na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang mama at papa at nasa ospital. Ibinahagi nila ang video kung saan kinakantahan nila ng worship song ang kanilang mama dahil alam umano nilang naririnig sila nito. Ang kanilang ama naman ay unti-unti nang bumubuti ang lagay at patuloy ang kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang mga magulang.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate