Sarah Lahbati, aminadong hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez

Sarah Lahbati, aminadong hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez

- Aminado si Sarah Lahbati na hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez pero co-parenting pa rin daw sila

- Aniya, hindi man daw ideal para sa mga bata ang nangyari ay ganun daw talaga at magiging okay din daw sila

- Dagdag pa niya, 'good at parenting' daw sila ni Richard at lagi silang naroroon para sa kanilang mga anak

- Sa kabila ng kanyang pagbabalik showbiz, hands-on pa rin daw siya sa mga bata

Inamin ni Sarah Lahbati na hindi na sila nag-uusap ni Richard Gutierrez. Sa panayam ng One PH, sinabi ni Sarah na 'good at parenting' sila ni Richard.

Sarah Lahbati, aminadong hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez
Sarah Lahbati, aminadong hindi na sila nagkakausap ni Richard Gutierrez
Source: Instagram

Kahit hindi raw sila nag-uusap ng asawang si Richard ay naroroon daw sila palagi para sa kanilang dalawang anak.

They're growing up so fast and it's not easy on any child but Im here for them. They're better. Of course it's not ideal for the children. Let's go back to the kids. But that's life and they'll be fine.

Read also

Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"

Sa kabila ng kanyang pagbabalik showbiz, hands-on pa rin daw siya sa mga anak nilang sina Zion at Kai.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sarah Lahbati ay isang Filipina-Moroccan actress at isang modelo. Ipinanganak noong Oktubre 9, 1993, siya ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Naging bahagi si Sarah ng mga finalists sa reality show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2009.

Nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire. Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Read also

Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate