Joross Gamboa, nagbahagi ng pagbati sa ika-40 na kaarawan ni Sandara Park

Joross Gamboa, nagbahagi ng pagbati sa ika-40 na kaarawan ni Sandara Park

- Nagbahagi si Joross Gamboa ng sweet birthday message para kay Sandara Park sa Instagram para sa ika-40 na kaarawan nito

- Binati niya si Sandara bilang kanilang “BFF Sister na di tumatanda at di tumataba” at nag-post ng throwback photo

- Nagkakilala sina Sandara at Joross noong 2004 sa “Star Circle Quest” ng ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan

- Naging bahagi si Sandara ng sikat na K-pop girl group na 2NE1 noong 2009 matapos magsimula ang kanyang showbiz career sa Pilipinas

Ipinagdiwang ni Joross Gamboa ang kaarawan ng kanyang matagal nang kaibigan na si Sandara Park sa pamamagitan ng isang nakakatuwang post sa social media.

Joross Gamboa, nagbahagi ng pagbati sa ika-40 na kaarawan ni Sandara Park
Joross Gamboa, nagbahagi ng pagbati sa ika-40 na kaarawan ni Sandara Park
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Gamboa ng mensahe para sa dating kasamahan sa ABS-CBN’s “Star Circle Quest” noong 2004, kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Aniya, “Happy 20th birthday to our BFF Sister na di tumatanda at di tumataba!” Biro pa niya, tila hindi tumatanda ang Korean star na kilala rin bilang “Pambansang Krung-Krung.”

Read also

Senyora, nagpatutsada matapos i-follow ni Sue Ramirez: "Hindi ka pa nakuntento.."

Kalakip ng mensahe ni Joross ang isang throwback photo ni Sandara, na ayon sa kanya ay paborito niya. Dagdag pa niya, “We are always here for you! Kitakits this weekend 😉 God bless!” Sinundan niya ito ng tanong sa kanyang followers kung alin sa mga larawang ibinahagi ang paborito nila mula sa kanyang post, kung saan nakapaskil ang 20 iba’t ibang larawan at video ni Sandara.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Joross at Sandara nang magkasama sila sa reality show na “Star Circle Quest” noong 2004. Dito nagsimula ang showbiz career ni Sandara sa Pilipinas bago siya sumikat sa buong mundo bilang miyembro ng sikat na K-pop girl group na 2NE1 noong 2009.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming netizens at kapwa celebrities ang nagpaabot ng pagbati kay Sandara, pinupuri ang kanyang youthful appearance at positibong pananaw sa buhay. Samantala, si Sandara naman ay nagpapasalamat sa mga bumati sa kanya at inaasahang magkikita silang muli ni Joross sa nalalapit nilang weekend celebration.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Si Sandara Park ay isang sikat na artista at mang-aawit mula sa South Korea. Nakilala siya sa iba't-ibang panig ng daigdig matapos mapabilang sa KPop group na 2NE1. Bago ang kanyang karera sa musika, sumali siya sa isang reality competition show sa Pilipinas noong dekada '90 na pinamagatang "Star Circle Quest," kung saan siya'y naging isang finalist. Matapos ang kanyang pananatili sa Pilipinas, bumalik siya sa South Korea upang sumali sa industriya ng K-pop.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai.

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate