Rochelle Pangilinan, ibinida ang pagiging maalaga ng mister niya

Rochelle Pangilinan, ibinida ang pagiging maalaga ng mister niya

- Ibinida ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang asawang si Arthur Solinap sa pagiging maalaga nito sa anak nilang si Shiloh

- Makikita sa video na binahagi ni Rochelle na mismong si Arthur ang nagtatali ng buhok ng anak nila

- Maririnig naman ang pagpuri ni Rochelle sa mister na base sa kanyang mga post ay malapit talaga sa kanilang anak

- Matatadaang sa unang panayam sa kanya ay puring-puri niya rin ang asawa niya dahil naasahan niya ito sa pag-aalaga sa kanilang anak lalo na kung may trabaho si Rochelle

Binahagi ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang asawang si Arthur Solinap. Ibinida niya ang pagiging hands-on nito sa pag-aalaga sa anak nilang si Shiloh.

Rochelle Pangilinan, ibinida ang pagiging maalaga ng mister niya
Rochelle Pangilinan, ibinida ang pagiging maalaga ng mister niya
Source: Instagram

Sa naturang video na binahagi ni Rochelle sa kanyang Instagram story, mismong si Arthur ang nagtatali ng buhok ng anak at maririnig si Rochelle na pinupuri ang asawa niya.

Read also

Andrea Brillantes, sinorpresa ng motor ang dalawang kasambahay nila

Makikita din sa mga iba pang post ni Rochelle na malapit sa daddy ang anak nila. Matatadaang sa unang panayam sa kanya ay puring-puri niya rin ang asawa niya dahil naasahan niya ito sa pag-aalaga sa kanilang anak lalo na kung may trabaho si Rochelle.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rochelle Pangilinan ay isang dancer, actress at recording artist. Isa siya sa founding members ng sikat na dance group na SexBomb Girls. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagsayaw at maging sa pag-rap. Ikinasal siya sa dating dancer din na si Arthur Solinap at nabiyayaan sila ng isang anak na babae.

Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang anak na si Shiloh Solinap na sumasayaw. Nagbahagi ito kung gaano siya natuwa sa kanyang anak at aminado siyang isa siyang stage mother. Marami ang natuwa sa sariling dance steps ng anak ni Rochelle na nagdiwang kamakailan ng kanyang ikalawang kaarawan. Hindi naman ito nakakapagtaka dahil parehas mahusay sumayaw ang kanyang mga magulang.

Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang anak na si Shiloh na sumasayaw sa kanilang pagdiriwang ng bagong taon. Sinayaw nito ang sikat na sikat na Spaghetti Song na kinanta ng grupong Sexbomb na kinabilangan ni Rochelle. Maririnig din ang tawa ni Rochelle habang bibong-bibong nagsasayaw ang anak nila ni Arthur Solinap. Bukod sa pagsasayaw ay kumanta din ito ng isang Christmas song.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel