Luis Manzano, binati si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang throwback picture

Luis Manzano, binati si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang throwback picture

- Binati ni Luis Manzano ang kaibigang si Anne Curtis sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan

- Sa kanyang post, ibinahagi ni Luis ang isang throwback picture nilang magkaibigan

- Makikita sa picture na natutulog si Anne habang mayroon pang prosthetics sa mukha

- Matatandaang nagkasama sila noon sa seryeng "Kampanerang Kuba" kung saan gumanap si Anne bilang si Imang

Ibinida ni Luis Manzano ang isang throwback picture nila ni Anne Curtis noong nagkasama sila sa Kampanerang Kuba. Ito ang kanyang post bilang pagbati sa kaarawan ni Anne.

Luis Manzano, binati si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang throwback picture
Luis Manzano, binati si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang throwback picture
Source: Facebook

Makikita sa kanyang post ang picture nila kung saan nakatulog si Anne habang may nakalagay na prosthetics sa mukha niya. Marami ang nakaalala sa pagganap na ito ni Anne bilang si Imang.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Si Imang ng Kampanerang Kuba to grabe super idol ko to . May picture pa nga ako nanunuod ng tv nuon Kampanerang Kuba.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Happy birthday beautiful Anne Curtis .inaasar k n nman ni bff ko Lucky haha!
Happy birthday Imang...grabe naman Kampanerang Kuba days haha

Si Anne Curtis-Smith, o mas kilala sa pangalang Anne Curtis, ay isang kilalang artista, host, at recording artist sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Pebrero 17, 1985, sa Yarrawonga, Victoria, Australia, si Anne ay may lahing Filipino at Australian. Nagsimula si Anne Curtis bilang isang commercial model bago pumasok sa mundo ng pag-arte.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Isabelle Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel