Toni Fowler, aminadong pinapatamaan si Papi: "Hanggang patama lang ako"

Toni Fowler, aminadong pinapatamaan si Papi: "Hanggang patama lang ako"

- Inamin ni Toni Fowler na pinapatamaan niya si Papi Galang sa kanyang mga post

- Aniya, hanggang patama lang siya dahil hindi daw siya pumapatol sa buntis

- Dagdag pa niya, kung hindi siya buntis ay baka nagkapisikalan na daw sila

- Nitong mga nakaraang araw ay maraming mga pasaring si Toni na naibahagi sa kanyang social media pages

Sinagot ni Toni Fowler ang tanong kung pinapatamaan daw ba niya si Papi Galang. Ani Toni, hanggang patama lang siya dahil buntis si Papi.

Toni Fowler, aminadong pinapatamaan si Papi: "Hanggang patama lang ako"
Toni Fowler, aminadong pinapatamaan si Papi: "Hanggang patama lang ako"
Source: Facebook

Dagdag pa niya, kung hindi iyon buntis ay malamang nagkapisikalan na sila.

Matatandaang sunod-sunod ang mga post ni Toni na tila pasaring para sa isang tao. Gayundin naman si Papi na marami ding mga patama sa kanyang post.

Sa kabila ng kanilang pagsagutan kamakailan ay nagkasama pa sila sa isang endorsement shoot matapos pumunta si Papi.

Read also

Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Read also

Toni Fowler, ayaw pagtaasan ng boses ni Vince si Tyronia: "Natuto na ako"

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel