Pura Luka Vega, nag-react sa arrest order kay Toni Fowler

Pura Luka Vega, nag-react sa arrest order kay Toni Fowler

- Naglabas ng kanyang saloobin si Pura Luka Vega kaugnay sa balitang may lumabas na arrest order kay Toni Fowler

- Ito ay kaugnay sa kasong isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas

- Kinuwestiyon ni Pura ang aksiyong ito para sa mga taong aniya ay naghahayag lamang ng kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang sining

- Dagdag pa niya, kagaya ng sinabi niya noon, pwede namang huwag panoorin kung hindi gusto ang mga content nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Pura Luka Vega sa naglabas ng saloobin kaugnay sa balitang may lumabas na arrest order kay Toni Fowler. Aniya, nag-express lamang ng kanyang sarili sa pamamagitan ng kanilang sining si Toni.

Pura Luka Vega, nag-react sa arrest order kay Toni Fowler
Pura Luka Vega, nag-react sa arrest order kay Toni Fowler
Source: Instagram

Kaya naman, kinuwestiyon niya kung bakit kailangang habulin ang mga kagaya nila. Dagdag pa niya, kagaya ng sinabi niya noon, pwede namang huwag panoorin kung hindi gusto ang mga content nila.

Read also

Sarah Lahbati sa mga anak: "Will do anything to make you both smile"

What is your definition of “morality”? Why are we going after people who are expressing themselves through their art? I’ve said this before and I will say it again, if you don’t like what you are seeing/hearing, then simply move on and find the ones you like.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay isang Filipina social media influencer, vlogger, at aktres. Siya ay nakilala sa kanyang mga online content, kabilang ang vlogs, challenges, at iba't ibang uri ng entertainment content na inilalathala sa kanyang mga social media channels. Mula nang magsimula siyang mag-vlog, sumikat siya sa online community. Bukod sa kanyang entertainment content, nagbibigay din siya ng personal na insights tungkol sa kanyang buhay at mga karanasan.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate