Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "Ako lang 'to guys"

Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "Ako lang 'to guys"

- Kabogera si Anne Curtis sa kanyang bagong hair style sa It's Showtime ngayong araw

- Aniya, kailangan daw paghandaan ang week-long grand finals ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime

- Puring-puri siya ng kanyang mga co-hosts at maging ang mga netizens ay gustong-gusto ang kanyang new look

- Pinakiusapang muli ni Anne ang lahat na maging kind dahil aniya ay okay na okay sila ni Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Anne Curtis ang kanyang bagong hairstyle na talaga namang bumagay sa kanya sabi ng kanyang mga co-hosts at mga netizens. Ayon kay Anne, kailangang paghandaan ang week-long grand finals ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "'Ako lang 'to guys'"
Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "'Ako lang 'to guys'"
Source: Youtube

Pinakiusapang muli ni Anne ang lahat na maging kind dahil aniya ay okay na okay sila ni Vice Ganda. Kaugnay ito sa kanilang naging biruan kamakailan sa kanilang brandagulan.

Read also

Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"

Parehas silang nagpaliwanag kaugnay sa nangyari at maging si Vice Ganda ay nag-sorry dahil aminado siyang hindi niya napag-isipan ang kanyang biro.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Anne Curtis-Smith, o mas kilala sa pangalang Anne Curtis, ay isang kilalang artista, host, at recording artist sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Pebrero 17, 1985, sa Yarrawonga, Victoria, Australia, si Anne ay may lahing Filipino at Australian. Nagsimula si Anne Curtis bilang isang commercial model bago pumasok sa mundo ng pag-arte.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate