Sarah Lahbati sa breakup rumors nila ni Richard Gutierrez: "We're Okay"
- Nagsalita na si Sarah Lahbati kaugnay na matunog na balitang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez
- Isa ito sa natanong sa kanya ng Cosmopolitan Philippines kung saan siya ang featured artist para sa buwan ng Enero
- Ayon pa kay Sarah felling blessed pa rin umano siya sa mga nangyayari at tila napapanahon na para bigyang oras ang sarili
- Bago matapos ang taong 2023, isa sina Sarah at Richard sa celebrity couples na naghiwalay subalit wala pa itong diretsang kumpirmasyon mula sa kanila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
"We’re okay" ang naisagot 'di umano ni Sarah Lahbati sa panayam sa kanya ng Cosmopolitan Philippines tungkol sa matunog na hiwalayan nila ng aktor na si Richard Gutierrez.
"I'm holding up pretty well. I'm happy. Again, I'm grateful. There's nothing more to say than I'm really feeling blessed. And it's a good time to just work on myself," dagdag pa ni Sarah.
Matatandaang bago magsara ang taong 2023, isa sila sa mga celebrity couples na umano'y natapos ang relasyon sa nasabing taon.
Gayunpaman, walang diretsang kumpirmasyon sa kanila ngunit kapansin-pansin 'di umano ang kani-kanilang social media post na hindi na magkasama tulad ng madalas nila noong gawin kasama ang dalawa nilang mga anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sinabi rin ni Sarah kung paano niya hinaharap ang mga bagay-bagay ngayon sa gitna ng kontrobersiya.
"I'm calm and aiming for a grand slam. Because you can be calm while you're aiming for your biggest goals. There's nothing like functioning at a calm level when things are being thrown at you and you're being challenged and going through difficulties that you can't control. That's how you grow as a person and achieve greater things. That’s when opportunities come flowing through your door," giit ni Sarah na inaasahang magbabalik telebisyon sa teleseryeng 'Lumuhod ka sa lupa.'
Si Richard Gutierrez ay isang aktor, model at TV host sa Pilipinas. Anak siya ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez at dating beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez. Kasal si Richard sa aktres na si Sarah Lahbati. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Zion at Kai.
Binalot kamakailan ng kontrobersiya ang buhay may asawa ni Richard dahil umano sa napansin ng publiko na hindi na sila madalas magkasama ng misis na si Sarah. Katunayan, isa sa mga bagong socmed post ni Richard, tanging mga anak na lamang niya ang kanyang kasama sa isa sa kanilang bonding moments.
Maging ang ina nina Richard na si Annabelle Rama ay minsan nang nadawit umano sa isyu na ito na wala pa ring kumpirmasyon o pagtanggi mismo sa mag-asawang Richard at Sarah.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh