Kampo ni Ian Veneracion, posibleng magsampa ng kaso sa TF post tungkol sa kanya

Kampo ni Ian Veneracion, posibleng magsampa ng kaso sa TF post tungkol sa kanya

- Nagbigay ng statement ang kampo ni Ian Veneracion kaugnay sa post ng writer-director na si Ronaldo Carballo

- Ayon sa kanyang kampo, tinitingnan nila ang posibilidad na magsampa ng kasong online defamation dahil sa anila'y malicious post at pamamahiya sa aktor

- Nilabag daw ni Carballo ang strict policy of confidentiality and transparency na sinusunod ng management ni Ian

- Wala din daw katotohanan ang tungkol sa nag-request sila ng additional charges at solo float para sa aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinitingnan ng kampo ni Ian Veneracion ang posibilidad na magsampa ng kasong online defamation sa writer-director na si Ronaldo Carballo. Sa statement na pinadala ng kampo ng aktor sa Inquirer, pinabulaanan nila ang ilan sa mga sinabi ni Carballo sa kanyang post.

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Kampo ni Ian Veneracion, posibleng magsampa ng kaso sa TF post tungkol sa kanya
Kampo ni Ian Veneracion, posibleng magsampa ng kaso sa TF post tungkol sa kanya
Source: Instagram

Isinalarawan nila bilang malicious ang kanyang post at pamamahiya sa aktor.

“Rather than verifying the information (on Veneracion’s talent fee), Mr. Carballo appears to have engaged in online behavior that undermines these principles, in an attempt to publicly humiliate our client and our team. Considering these developments, we are exploring legal options to address the online defamation by Mr. Carballo,”

Wala din daw katotohanan ang tungkol sa nag-request sila ng additional charges at solo float para sa aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Contrary to the claims, we did not request any additional charges. Our terms were clear, especially regarding the hours required for the event, and at no point did we ask for a solo float,”

Samantala sa panayam ng Magandang Buhay, naibahagi ni Ian na nagsimula siya sa pag-aartista noong 7 taong gulang siya.

Read also

PCSO, trending matapos ang kanilang post kaugnay sa P43-M Lotto 6/42 jackpot winner

Naibahagi niya sa vlog ni Karen Davila ang tungkol sa kanyang hilig sa iba pang mga bagay kagaya ng pagkanta.

Si Ian Veneracion ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isa siyang versatile na aktor na naging bahagi ng maraming teleserye, pelikula, at iba't ibang proyektong pantelebisyon. Ilan sa mga proyektong kinilala si Ian Veneracion ay ang kanyang pagganap sa mga teleseryeng tulad ng "Pangako Sa 'Yo" at "A Love to Last." Kilala rin siya sa pagiging leading man at karakter aktor sa iba't ibang pelikula. Bukod sa pagiging aktor, mahusay din siyang mang-aawit at may kahusayan sa iba't ibang larangan ng sining.

Ayon kay Ian Veneracion, pabalik siya sa Manila mula Iloilo nang mapadaan siya sa isang aeronautical school. Nakatakip ang kanyang mukha nang humarap siya sa mga estudyante at magtanong. Kinalaunan ay tinanggal niya ang takip sa mukha niya dahilan para magpalakpakan ang mga estudyante. Isa siyang licensed private pilot, skydiver, paragliding pilot at scuba diver.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Nagbahagi si Ogie Diaz ng kanyang saloobin tungkol sa nag-trending na post tungkol sa diumano'y talent fee ni Ian Veneracion. Aniya, kung hindi kaya ang presyo ay huwag na lang daw kunin at hindi na kailangan pang i-post. Dagdag pa niya, baka tulungan pa niya sila na i-bash si Ian kung may kontrata na ito at hindi sumipot. Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ng isang Facebook user ang umano'y napakamahal na talent fee ni Ian kahit ang kanyang gagawin ay sasama lang daw sa parada at sakay sa float.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel