Gloc-9, inalala ang unang beses na makita si Francis M: "Parang nakita ko si Superman"
- Inalala ni Gloc-9 ang unang pagkakataong nakita ang idolong si Francis Magalona
- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nakwento ni Gloc kung paano siya minsang naging fan ng namayapang 'Master Rapper ng Pilipinas'
- 1994 nang maiyaga siyang naghintay kay Francis M sa isa sa mga naging mall tour nito
- Sa ngayon, isa si Gloc sa mga mahuhusay na rapper na sumunod umano sa yapak ni Francis Magalona
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, inalala ni Gloc-9 ang minsang pagiging isang fan ng yumaong 'Master Rapper' na si Francis Magalona.
"Parang nakita ko si Superman sa personal. Nakita ko sa Megamall, 'Francis M: Meron akong Ano Mall Tour.' 1994. Tinatayo pa lang yung stage, nakatayo na ako sa gilid. Nakaupo na ako, Four hours kong hinintay."
"From tinatayo yung stage, hanggang sa napuno 'yung tao sa baba , napuno ng tao yung second floor... 'yung third yung fourth... 'Yun yung akala mo si Michael Jackson yung nasa Megamall," pagbabalik-tanaw ni Gloc-9 na kilala rin bilang Aris.
Kalaunan, naging mentor pa niya si Francis M bago ito pumanaw noong 2009. Nagkaroon si Gloc ng pagkakataong makasalamuha ang idolo na nagbigay inspirasyon sa kanya sa pagiging isa sa mga mahuhusay at kinikilalang rapper sa Pilipinas. Ilan sa naging collaborations nila ay ang 'Lando' at 'Bagsakan' kung saan kasama rin nila si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time". Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.
Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao." Laging nababanggit ni Gloc ang paghanga niya kay Francis Magalona na isa sa mga naging inspirasyon niya sa kung anoman ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa musika.
Samantala, matatandaang nag-viral ang post ni Gloc sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang pasukin niya pansamantala ang online business. Tulad kasi ng iba ng mga artist na natigil ang hanapbuhay, isa siya sa nakaisip na pumasok sa pagnenegosyo habang nasa bahay nang mga panahong iyon.
Source: KAMI.com.gh