Yasmien Kurdi sa P299 engagement ring issue: "Ako nga wala naman ako engagement ring"

Yasmien Kurdi sa P299 engagement ring issue: "Ako nga wala naman ako engagement ring"

- Nagbahagi ng pahayag si Yasmien Kurdi kaugnay sa trending na post tungkol sa P299 engagement ring

- Aniya, para sa kanya ay medyo OA dahil siya daw ay wala ngang engagement ring at hindi din nila nasusuot na mag-asawa ang kanilang wedding ring

- Para daw sa kanya, dapat ay i-invest na lang ang pera sa lupa at bahay para hindi mahirapan sa pagbayad sa renta

- Dagdag pa niya, kahit mura ang mga gamit ay nagmumukhang mahal kung pinagmamalaking sinusuot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Yasmien Kurdi ay naghayag ng kanyang saloobin kaugnay sa viral na P299 engagement ring issue. Aniya, para sa kanya ay medyo OA dahil kung siya daw ay walang engagement ring.

Yasmien Kurdi sa P299 engagement ring issue: "Ako nga wala naman ako engagement ring"
Yasmien Kurdi sa P299 engagement ring issue: "Ako nga wala naman ako engagement ring"
Source: Instagram

Hindi din daw nila nasusuot ang kanilang wedding ring ng kanyang asawa dahil hindi sila sanay.

Read also

Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa mga pagkakataong nakatanggap siya ng singsing

P299 na ring issue… medyo OA. Ako nga wala naman ako engagement ring, tapos wedding rings namin di naman nasosoot kasi di kami sanay. Kasal namin 20k lang (2012).

Para sa kanya, mas magandang mag-invest sa lupa at bahay para hindi daw mamulubi sa pag-uupa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

In my opinion, iinvest niyo nalang pera niyo sa lupa at bahay. Para di kayo mamulubi sa renta at di puro porma. Laking tipid ng hindi nagrerenta ng bahay.

Dagdag pa niya, kahit mura ang mga gamit ay nagmumukhang mahal kung pinagmamalaking sinusuot.

Ang material na bagay nadadala lang yan. Minsan nagmumukhang mahal kapag proud mo siya sootin. Minsan naman ang mahal ng soot ng isang tao, pero di naman mukhang mahal. Di ko din alam kung bakit.

Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.

Read also

Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"

Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike. Aniya, nagfi-fist bump pa ito sa kanya pag nakakasalubong niya sa lobby.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel