Ellen Adarna sa nagsabing anti-LGBT sya: "Na-confuse lang ako sa pronouns anti na?"

Ellen Adarna sa nagsabing anti-LGBT sya: "Na-confuse lang ako sa pronouns anti na?"

- Sinagot ni Ellen Adarna ang komento ng isang netizen na anti-LGBT daw siya kaya mag-unfollow daw ito

- Ani Ellen, wala itong katotohanan at fake news ito dahil ang bestfriend daw niya mula high school ay isang bahagi ng LGBT

- Marami din daw siyang close friends na gay at gustong-gusto daw ni Ellen ang mga ito

- Dagdag pa ni Ellen, na-confuse lang siya sa pronouns pero hindi ito nangangahulugan na ayaw niya sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Ellen Adarna ang komento ng isang netizen na mag-unfollow na daw ito kay Ellen dahil anti-LGBT daw siya. Ani Ellen, wala itong katotohanan at fake news ito dahil ang bestfriend daw niya mula high school ay isang bahagi ng LGBT.

Ellen Adarna sa nagsabing anti-LGBT sya: "Na-confuse lang ako sa pronouns anti na?"
Ellen Adarna sa nagsabing anti-LGBT sya: "Na-confuse lang ako sa pronouns anti na?"
Source: Instagram

Dagdag pa ni Ellen, na-confuse lang siya sa pronouns pero hindi ito nangangahulugan na ayaw niya sa mga ito. Ang tinutukoy nito ay ang naging pahayag niya kamakailan sa kanyang Q&A sa Instagram kung saan nasabi niya ang tungkol dito.

Read also

Xian Lim, napabalik-tanaw sa halos 12 taon na kasama si Kim Chiu

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Meil Pangilinan nasanay na sa mga bashers: "It's so boring and predictable"

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate