QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"

QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"

- Quezon City Police District ang nagkumpirma ng pagkamatay ni Ronaldo Valdez

- Sinasabing natagpuan ng driver nito ang aktor sa kanyang bahay sa New Manila, Quezon City

- Hindi pa makumpirma ng QCPD ang mismong dahilan ng pagkamatay ng batikang aktor

- Matatandaang isa sa huling naging proyekto ni Ronaldo ang '2 Good 2 Be True' kung saan kasama niya ang tambalang KathNiel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez nitong Linggo, Disyembre 17.

QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"
QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"
Source: Instagram

Sa ulat ng CNN Philippines, Quezon City Police District mismo ang nagkumpirma ng pagkamatay nito.

Masusi pang inaalam ng nasabing pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng aktor sa loob mismo ng kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City.

Sa ulat ng Daily Tribune ang driver umano ng 77-anyos na veteran actor ang nakakita sa kanyang wala nang buhay sa upuan.

Read also

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay QCPD Director P/Brig. Gen. Red Maranan, hindi pa nila makumpirma ang dahilan ng pagkamatay ni Ronaldo gayung may hinihintay pa umano silang ilang resulta ng test na isinagawa ng SOCO.

"May inintay pa result ng lab exam from SOCO, before we can conclude," ayon mismo kay Maranan.

Ayon sa GMA News, hanggang ngayong oras na sinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ni Ronaldo tungkol sa kanyang pagpanaw.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siyang pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Read also

Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero

Katunayan, isa si Kathryn sa nagpaabot ng pagkalungkot at pakikiramay nang lumabas ang balitang pumanaw na ang kanyang 'Lolo Sir'. Ilan sa kanyang mga social media post ay patungkol kay Ronaldo Valdez na aniya'y para na rin niyang tunay na lolo o grandfather.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica