Ellen Adarna, pinakita kay Derek Ramsay ang kanyang overlined lips

Ellen Adarna, pinakita kay Derek Ramsay ang kanyang overlined lips

- Biniro ni Ellen Adarna ang kanyang asawa nang maglagay siya ng overlined red lipstick

- Makikitang hindi naman tumitingin si Derek sa kanya at pabirong sinabi na grounds for separation daw pag pinagawa ni Ellen ang bibig niya para kumapal

- Lalo naman siyang pinagkatuwaan ni Ellen at nilapit ang kanyang mukha kay Derek

- Marami ang naaliw sa masayang kulitan ng mag-asawang Ellen at Derek

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang naging reaksiyon ni Derek Ramsay sa overlined red lips ng kanyang asawang si Ellen Adarna. Tila naman lalong pinagkatuwaan ni Ellen ang asawa at nilapit ang kanyang mukha kay Derek.

Ellen Adarna, pinakita kay Derek Ramsay ang kanyang overlined lips
Ellen Adarna, pinakita kay Derek Ramsay ang kanyang overlined lips
Source: Instagram

Pabirong sinabi na grounds for separation daw pag pinagawa ni Ellen ang bibig niya para kumapal. Maya- maya pa ay napahiyaw si Derek dahil sa pinulikat siya sa leeg.

Read also

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

Biro pa ni Ellen, overlined red lips lang ang katapat ni Derek.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate