Jopay, emosyonal nang marinig ang Sexbomb medley sa "It's Showtime"

Jopay, emosyonal nang marinig ang Sexbomb medley sa "It's Showtime"

- Naging emosyonal si Jopay Paguia-Zamora sa "It's Showtime" kamakailan

- Ito ay matapos na gamiting tugtog ng It's Showdown ng isang grupo ng contestants ang Sexbomb medley

- Bago magbigay ng kanyang komento sa performance, hindi napigilan ni Jopay na maluha

- Aniya, napa-reminisce si Jopay at umano'y nakaka-good vibes na marinig ang kanilang tugtugin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal ang orihinal na miyembro ng Sexbomb dancers na si Jopay Paguia-Zamora nang marinig ang Sexbomb medley sa It's Showtime.

Jopay, emosyonal nang marinig ang Sexbomb medley sa It's Showtime
Jopay (Jopay Paguia Zamora)
Source: Facebook

Ito kasi ang ginamit na tugtog ng isang grupo ng mga contestants sa dance contest ng It's Showdown.

Bago pa man makapagbigay ng kanyang komento si Jopay, hindi niya napigilang maluha nang muling marinig ang kanilang awitin.

"Grabe, 'yung narinig ko 'yung song sobrang 'yung ngiti ko hanggang huli e. Nakaktuwa kasi minsan lang kami magsama-samang Sexbomb talaga. So, 'yun na nga... move forward, naiyak ako," ani Jopay.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Na-senti siya. Iba din naman ang Sexbomb talaga, iconic," komento ni Vice Ganda.

"Naging motto sa buhay 'yan. Hindi tayo pinalaki ng Sexbomb para bumawi," ang naging komento naman ni Jackie habang lalo nang naiyak si Jopay.

"Hindi ko ine-expect na tuloy-tuloy yung music niyo puro Sexbomb. As in na-reminisce talaga ako. Good vibes talaga," dagdag pa ni Jopay.

Narito ang kabuaan ng mga pangyayari mula sa It's Sowtime, ABS-CBN News YouTube:

Si Jopay Paguia-Zamora ay isa sa mga unang miyembro ng Sexbomb girls, ang iconic dancers ng Eat Bulaga. Sila ni Rochelle Panganiban- Solinap ang talagang tumatak na mga pangalan ng miyembro ng kanilang grupo. Gayundin sina Izzy Tarasona at Aira Bermudez.

Kamakailan, kinagiliwan ng kanyang mga fans si Jopay nang mapasama ito sa isang gig ng bandang Mayonnaise Sa Lucena City sa Quezon. Matatandaang isa sa sumikat ng kanta ng grupo ay ang "Jopay". Bagama't 2004 pa nang unang lumabas ang awitin, muli itong nag-viral noong 2022 at madalas muling tugtugin ng banda.

Read also

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

Samantala, bukod kina Jopay at Rochelle, aktibo pa rin sa pagsasayaw si Izzy Tarasona na madalas na mapanood sa TikTok kasama ang kanyang anak na si Andrei. Matatandaang nagkaroon pa ng dance video si Andrei bilang tribute sa grupong kinabibilangan ng ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel