Pambansang Kolokoy, sinabing hindi na mamomroblema sa flower girls sa church wedding nila ng misis
- Nabanggit ni Pambansang Kolokoy sa kanyang vlog na hindi na raw niya problema ang flower girls dahil meron na silang dalawang anak na babae
- Sa kanyang bagong vlog ay kasama niya ang mga anak na sina Baby Juju at Baby Gigi
- Aniya ay hindi pa sila nakakahanap ng magandang venue para sa kanilang church wedding ng kanyang asawa
- Humingi din siya ng mga suggestion mula sa kanyang mga followers tungkol sa magandang simbahan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Pambansang Kolokoy na hindi pa rin daw sila nakakahanap ng magandang venue para sa church wedding nila ng kanyang asawa. Gayunpaman aniya ay hindi na niya problema ang flower girls dahil may mga anak na silang babae.
At least ngayong mga bestfriends noh, hindi ko na problema ang mga flower girls. May mga flower girls na ako if ever ikasal kami next year kasi hanggang ngayon mga kaibigan ay hindi pa rin ako nakakahanap ng magandang venue dito sa Pilipinas para sa ganun makapag church wedding kami. Hindi pa kasi kami nakapag-church wedding.
Biro pa niya, may ring bearer na rin sila at iyon ay si Hap Rice.
Humingi din siya ng mga suggestion mula sa kanyang mga followers tungkol sa magandang simbahan. Gusto daw niya ay lumang simbahan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.
Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video. Natapos ang vlog ni PK na kasama niya ang anak niyang si Baby Juju at nag-mukbang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh