Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote
- Nag-repost si Maxene Magalona ng quote tungkol sa pagpapatawad sa mga magulang
- Sinasaad sa naturang quote na nasa proseso din ng pagkakatuto ang mga magulang
- Matapos ang kanyang post na ito ay umani ng samu't-saring reaksiyon ang kanyang post
- May mga naniniwalang parang kumpirmasyon umano ito ng mga bali-balitang lumabas kamakailan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ni-repost ni Maxene Magalona ang isang quote card tungkol sa pagpapatawad sa magulang. Nasa proseso din daw ng pagkakatuto ang mga magulang.
Matapos ang kanyang post na ito ay umani ng samu't-saring reaksiyon ang kanyang post. Narito ang ilan sa mga komento.
It's giving eldest daughter energy. Ok lang yan. Gets kita, Maxene.
Dati kasi Daddy & Daughter tandem sila, dahil nga entering to showbiz na si Maxene. You can't blame her. Masakit talaga at bumalik ulit ang lahat.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
It's not a childish post. Dahil mas alam na nya ngayon kung ano ang nangyari sa family nya/nila. Years ago na at sa mga pinagdaanan nya rin sa buhay, mas matured na sya to post this.
Si Maxene Magalona ay isang aktres sa Pilipinas na anak ng sikat na rapper na si Francis Magalona. Kapatid niya ang aktor na si Elmo Magalona at ang social media personality na si Saab Magalona. Mayo ng taong 2020 nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang mental illness.
Naibahagi kamakailan ni Maxene kung ano ang kanyang pagkakaparehas at pagkakaiba sa kanyang sarili noon at sa kasalukuyan. Aniya, naniniwala siyang hindi tama na itatwa niya ang nakaraan niya dahil makakapigil umano ito sa pagpapabuti niya sa sarili. Aniya, ang pagtanggap sa kanyang nakaraan ay susi sa pagpapalaya ng mga negatibong enerhiya. Paraan din umano ito upang maisaayos ang anumang hindi magandang ugali.
Sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y problema ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, isang makahulugang post ang binahagi niya. Ito ay mula sa Instagram page na @the_higher_self_'s page. Tungkol ito sa hindi na kailangan pang ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. Sa naturang quote ay nakasaad na kung hindi naman naiintindihan ng ibang tao ay ayos lamang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh