Dalawang saksi, nakita umanong duguan si Catherine Camilon sa loob ng isang sasakyan

Dalawang saksi, nakita umanong duguan si Catherine Camilon sa loob ng isang sasakyan

- May dalawang saksi na lumutang at nagsabing nakita daw nila ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon

- Ayon sa mga saksi, nakita daw nila itong duguan sa loob ng isang sasakyan

- Nilipat umano ng tatlong lalaki ang biktima mula sa kanyang sasakyan sa isa pang sasakyan

- Kinilala ng dalawang saksi ang person of interest nang makita nila ito mismo sa isang bakanteng lote sa isang subdivision noong gabi ng Oktubre 12

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Lumutang ang dalawang saksi na nagsabing nakita nila ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon noong October 12 na duguan. Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kinilala ng mga saksi ang person of interest.

Dalawang saksi, nakita umanong duguan si Catherine Camilon sa loob ng isang sasakyan
Dalawang saksi, nakita umanong duguan si Catherine Camilon sa loob ng isang sasakyan
Source: Instagram

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang person of interest sa bakanteng lote sa isang subdivision noong gabi ng Oktubre 12.

Read also

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

Sinabi ni Major General Romeo Caramat Jr, CIDG director na tatlong lalaki ang naglipat sa biktima mula sa kanyang sasakyan sa isa pang sasakyan.

“Nakita nila ‘yung biktima na duguan sa ulo, inililipat from the victim’s car to another car. At nakita nila na duguan, nililipat ng tatlong lalaki”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t sapat na ang mga ebidensya na hawak ng CIDG, patuloy sa pagkalap nila ng ebidensya para mas mapagtibay ang kaso laban sa suspek.

Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.

Kamakailan nga ay sinabi ng mga otoridad na naniniwala silang buhay ang nawalang beauty queen. Nagbigay din ng pahayag ang PNP-Calabarzon na makikita at makakauwi ang beauty queen. Matatandaang idineklara siyang missing person dahil sa hindi na siya makontak. Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, police chief ng Calabarzon, base sa kanilang leads ay buhay si Camilon.

Read also

CCTV footage ng pagtakas ng suspek sa pamamaril sa isang DJ habang nasa livestream, inilabas

Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate