Badjao Girl, namahagi ng pagkain sa mga taong lansangan kahit na-bash at naluha online

Badjao Girl, namahagi ng pagkain sa mga taong lansangan kahit na-bash at naluha online

- Namahagi ng pagkain si Rita Gaviola at kanyang fiancé kamakailan sa mga taong lansangan

- Ito ay sa kabila ng pamba-bash na kanyang natamo kamakailan habang nasa live selling

- Maaalalang naluha si Rita nang sabihan umano siya ng isang netizen sa kanyang selling na bumalik na lamang sa pamamalimos

- Inulan ng suporta si Rita sa insidenteng ito na labis niyang ipinagpasalamat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinili pa rin na maging positibo ni Rita Gaviola o mas kilala bilang si Badjao Girl sa kabila ng bashing na tinamo kamakailan habang siya ay naka-live selling.

Badjao girl, namahagi ng pagkain sa mga taong lansangan kahit na-bash at naluha online
Rita Gaviola aka Badjao girl (Rita Gaviola)
Source: Facebook

Matatandaang bago ang Undas, nag-viral ang video ni Rita na naluha matapos mabasa ang komentong bumalik na lamang siya sa pamamalimos habang siya ay naka-live.

Hindi napigilang sumagot ni Rita at sinabing proud siya sa pagiging Badjao. "Sasabihin niyo sa akin na bumalik ako sa pamamalimos dahil Badjao naman talaga ako? Hindi ako nahihiya na Badjao ako. Mas lalo akong naging proud. Baka hindi niyo alam grabe ang experience ko sa pamamalimos para lang makaahon kami sa hirap," naluluhang nasabi noon ni RIta.

Read also

Lie Reposposa, pinabulaanan ang komentong hiwalay na sila ng boyfriend

Ilang araw ang nakalipas, mula sa insidenteng ito, ibinahagi ni Rita ang pamamahagi niya ng Jollibee meals sa mga taong lansangan na kanilang nadadaanan ng kanyang fiancé.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I-bash niyo lang ako pero mamahalin ko pa rin kayo," ang caption ni Rita sa kanyang maiksing video.

Si Rita "Badjao Girl" Gaviola ay unang nakilala nang mag-viral ang larawan niyang kuha habang siya ay nasa kalsada. Kalaunan, naimbitahan siya sa ilang photoshoot at maging sa Pinoy Big Brother kung saan naging teen housemate siya. Bago magbuntis, naging bahagi rin siya ng isang segment ng It's Showtime.

Kamakailan, masayang ibinahagi ni Rita na engaged na siya sa kanyang partner at ama ng kanyang baby. Subalit matapos ito, naganap naman ang hindi inaasahang bashing na kanyang natamo habang siya ay naka-live selling.

Read also

Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan

Isa kasi ang live selling ng mga beauty products sa mga pinagkakaabalahan ni Rita bukod sa pagiging isang content creator. Kaya naman matapos na siya ay ma-bash, inulan naman siya ng suporta na labis niyang ipinagpapasalamat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel