Julia Montes, sa isang uri ng noodles na 'di niya kinakain: "Naaalala ko lang 'yung childhood ko"
- Naikwento ni Julia Montes ang umano'y isang uri ng noodles na hindi na niya kinakain
- Aniya, naaalala niya rito ang kanyang kabataan at paano nila ito kainin noon
- Kaya naman ngayong nakatatanggap ng biyaya, sinisiguro niyang naibabahagi niya ito sa iba
- Aminado si Julia na dumaan din sila sa hirap ng buhay noon na siyang naging dahilan naman ng pagiging masinop niya ngayon sa salapi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Julia Montes na may isa umano siyang uri ng noodles na hindi na muli kinakain.
Habang nagkikwentuhan kasi sila sa vlog ni Bernadette ay kumakain sila ng street foods tulad ng kwek-kwek, fish ball, squid ball at kikiam.
Naikwento niyang luho para sa kanya ang pagkain at talagang ginagastusan niya ito ngayon. Tila ito ang pambawi niya sa panahong aminadong hirap sila noon sa buhay at hindi basta nabibili ang pagkaing naisin.
Sinisiguro rin niyang naibabahagi niya ito sa mga tao, lalong-lalo na sa mga nakakasama niya sa trabaho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nabanggit din ni Julia ang isang uri umano ng noodles na ngayo'y hindi na niya kinakain.
"May isang noodles lang ako na hindi kinakain kasi parang naaalala ko lang yung childhood. Isang noodles yun sa tindahan pagkakasyahin namin yung magkakapatid ganung level yung ano namin kaya food is life talaga sa'kin ngayon, malaking bagay at nakikilala ko 'yung tao kung paano siya sa food sa ibang tao."
Inamin din ni Julia na lumaki siya umano sa utang. Kaya naman ngayon, takot umano siyang mangutang dahil sa naging karanasan niya noon kasama ang kanyang lola na umano'y nagagawa nilang magmakaawa kung wala pa umano silang pambayad.
"Because of that, takot ako na may utang. Kasi alam ko 'yung feeling. Hindi mo naman ginusto pero kailangan mong mangutang, mangungutang ka. Tapos aabot ka sa point na yung pinangako mo kahit totoo namang nangako ka for that specific day e nagkataong nawala mo yung pero o kinailangan mo 'yung budget na yun na pambabayad mo sana, so yung pakikiusap mo dun sa pinangutangan mo. Alam ko talaga 'yung journey nung pera na 'pag hinawakan mo, hindi mo siya mahahawakan ng matagal."
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Bernadette Sembrano YouTube:
Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isinilang noong March 19, 1995, sa Pandacan, Manila. Una siyang nakilala sa Going Bulilit kung saan nakasama rin niya ang iba pang child stars tulad ni Kathryn Bernardo. Hinangaan sila sa pagganap nila sa remake ng Mara Clara kung saan sila ni Kathryn ang bumida.
Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Julia nabanggit nito kung gaano ka-espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kathryn. Pabiro pa niya itong nilarawan bilang 'original love team' dahil sa closeness nilang dalawa off cam. Aniya, nais nga nilang magkaroon muli ng proyekto ni Kathryn na magkakasama muli silang dalawa.
Kasalukuyang pumapalo sa takilya ang pelikula nina Julia at Alden Richards ang Five Breakups and a Romance. Masasabing ito ang comeback movie ni Julia gayung ilang taon din siyang napahinga sa paggawa ng proyekto para sa big screen. Aminado rin si Julia na komportable siyang katrabaho si Alden gayung kaibigan niya talaga ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh