Robby Tarroza, sinabing hiwalay na si Francis M kay Pia bagong maging sila ni Abegail Rait

Robby Tarroza, sinabing hiwalay na si Francis M kay Pia bagong maging sila ni Abegail Rait

- Nag-post ang producer na si Robby Tarroza kaugnay sa aniya'y kanyang Francis Magalona story

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sinabi niyang hindi raw kinasal sina Francis M at Pia Magalona dahil kasal pa umano ito sa una nitong karelasyon

- Aniya, nakwento daw sa kanya ni Francis na wala na sila ni Pia nang magkausap sila at kinalaunan daw ay nasabi niyang may iba na itong karelasyon

- Nabanggit niya na naging producer daw siya ng concert ni Kiko kaya naging malapit sila at nakakapagkwentuhan

Nagbahagi si Robby Tarroza, isang producer ng aniya'y kanyang Francis Magalona story. Sinabi niyang hiwalay na raw sina Francis at Pia Magalona nang makarelasyon ni Kiko si Abegail Rait.

Robby Tarroza, sinabing hiwalay na si Francis M kay Pia bagong maging sila ni Abegail Rait
Robby Tarroza, sinabing hiwalay na si Francis M kay Pia bagong maging sila ni Abegail Rait (@piamagalona)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Toni Gonzaga sa kanyang pinakabagong vlog: "My life lately"

For all you judgemental people that did not know the real story, Francis and pia were already seperated before he got into this amazing relationship . he deserved to experience real love atleast once in his lifetime .

Ayon sa kanya, hindi raw kinasal sina Pia at Francis dahil kasal din daw si Pia sa unang karelasyon nito na ama ng kanyang dalawang anak.

Taong 1999 daw nang nag-produce siya at ng kanyang asawa ng concert ni Kiko.

Taong 2007 daw nang magkausap sila at sinabi raw ni Kiko na hiwalay na sila ni Pia. Matapos ang ilang buwan ay nakwento raw nito na may iba na itong karelasyon.

A few months later we met again and he mentioned he was with another woman who is totally the opposite sa ugali ni pia. he stressed “ang sarap pala ng ganitong ‘real love’ Robski” yeah he called me Robski lol pang ganster ko yun

Read also

Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right

Nalaman din daw niya ang tungkol sa naging love child ni Kiko at sa bagong karelasyon nito pero hindi na raw niya ito nakilala nang personal.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag na nilalabas ang kampo ni Pia hinggil dito. Bukas ang KAMI sa kanilang panig.

Si Francis Michael Durango Magalona na mas kilala bilang si Francis M ay isang Filipino rapper, singer, songwriter, entrepreneur, actor, at television personality. Siya ang maituturing haligi ng Pinoy hip-hop industry. Si Francis M ang ama ng mga showbiz personality na sina Maxene Magalona at Elmo Magalona. Marso ng 2009, binawian ng buhay si Francis M dahil umano sa leukemia.

Samantala, matatandaang naging bahagi rin ng Eat Bulaga si Francis M kung saan umano nito nakilala si Abegail. Sa naturang programa rin isinapubliko ang kanyang pagpanaw na pansamantalang nagpatigil noon sa programa upang alayan siya ng panalangin. Matatandaang kamakailan lamang, inalala siya ng anak na si Maxene Magalona na naibahagi ang kanyang naging interview sa ama noong 1996.

Read also

Ricci Rivero, ibinida ang pagtatangi kay Leren Mae Bautista: "Walang nang agaw at walang inagaw"

Lumantad umano sa Pinoy Pawnstars ang nagpakilalang nakarelasyon noon ng namayapang si Francis M. Dala nito ang Jersey ni Francis na umano'y suot nito na maituturing niyang early premonition ng mangyayari rito. Mayroon din siyang dalang signed notes ng 'Master Rapper' na ang tawag umano sa kanya ay "hon."Taong 2007 nang ipanganak niya ang supling nila ni Francis M na ang mismong Master rapper pa umano ang nagpangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate