Melai Cantiveros, pinakita ang masayang bakasyon nilang pamilya sa GenSan
- Pinasilip ni Melai ang masaya at simpleng buhay nila kasama ang mga anak at kaanak sa General Santos City
- Doon magdiriwang ng Pasko at Bagong taon ang pamilya ni Melai
- Marami ang natuwa sa binahaging pictures ni Melai dahil bukod sa simple at masaya ay magkakasama pa silang mag-anak
- Marami ang lalong humanga kay Melai dahil sa kabila ng tinatamasa nitong kasikatan at mga biyaya ay nananatili itong mabait
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinasilip ni Mela Cantiveros-Francisco ang ilang pictures sa kanilang pagbabakasyon sa General Santos City. Marami ang lalong humanga kay Melai dahil sa kabila ng tinatamasa nitong kasikatan at mga biyaya ay nananatili itong mabait.
Makikitang sama-sama sila ng kanyang mga kamag-anak na nakahiga sa kutson sa sahig ng kanilang rest house.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
ganda naman dyan momshie sama-sama matulog enjoy po!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
@mrandmrsfrancisco OMG Melai i love this sama sama sa pagtulog at province na province talaga ang dating. Nakakamiss yan♥️♥️♥️ Happy Holidays
Nakakamiss ang ganyan. Sama-sama kayo magkakapatid, kanyang kanyang pwesto ng higa.
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh