KC Concepcion sa nalalapit na concert nina Sharon at Gabby: "'Di na po ako makatulog!"
- Naikwento ni KC Concepcion ang kanyang nadarama sa nalalapit na concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
- Ito ay ang Dear Heart na gaganapin sa SM MOA Arena sa Oktubre 27
- Ang concert na ito ang muling pagsasama ng dating mag-asawa sa iisang entablado kaya naman napakahalaga ng okasyon na ito para kay KC
- Sa ngayon, bumida si KC sa isang Hollywood film na "Asian Persuasion" na labis na ikina-proud ng marami nating kababayang Pilipino
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni KC Concepcion ang kanyang nadarama kaugnay sa nalalapit na concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na 'Dear Heart.'
Gaganapin ito sa SM MOA Arena sa Oktubre 27. Ang concert na ito ang muling pagsasama ng dating mag-asawa at tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion matapos ang ilang dekada.
Kaya naman ganoon na lamang kahalaga ang naturang concert para sa anak nilang si KC na aminadong hindi na makatulog sa nalalapit na pagsasama muli sa entablado ng kanyang mga magulang.
"Dear Heart concert... 'Di na po ako makatulog. 5:35am na po ako nakatulog kanina. Kasi papalapit na po 'yung October 27," ani KC sa panayam sa kanya ni Isko Moreno.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa naturang panayam din naikwento ni KC ang kanyang paghanga sa mga magulang.
"Akala ng mga taga Amerika 'pag kausap ko siya sa Facetime, boyfriend! Whaat? It's my father. Kasi bampira. 'Di tumatanda. Gwapo," makulit na naikwento ni KC tungkol sa kanyang ama.
"Ganda! Super blooming. Pinakagandang-ganda ako sa nanay ko, on stage. Sa concert scene. Favorite ko ang version ng mommy ko na concert performer, singer. Parang nagiging fan ako, ganun. I love sseing her her na nandiyan 'yung spotlight, hawak na niya yung mic, naka-tour ko na si mama na-guest na niya ako sa tour, wala akong masabi sa professionalism niya," papuri ni KC sa kanyang Mama Sharon.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa YouTube channel na Isko Moreno Domagoso:
Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.
Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.
Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh