Iwa Moto at Janna Dominguez, emosyonal na nagyakapan sa burol ni Yzabel Ablan

Iwa Moto at Janna Dominguez, emosyonal na nagyakapan sa burol ni Yzabel Ablan

- Ibinahagi ni Janna Dominguez ang picture ng pagdalaw ni Iwa Moto sa burol ng anak na si Yzabel Ablan

- Makikita sa kanyang post ang pagyakapan nila habang pinagmamasdan si Yzabel na nakahimlay

- Matatandaang isa si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa pagpanaw ni Yzabel

- Naging malapit ito kay Iwa nang naging karelasyon ni Iwa ang ama nito na si Mickey Ablan na kasalukuyang asawa ni Janna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumalaw si Iwa Moto sa burol ni Yzabel Ablan. Sa binahaging pictures ni Janna Dominguez, hindi maitago ang matinding pagdadalamhati nila na parehas naging ina kay Yzabel.

Iwa Moto at Janna Dominguez, emosyonal na nagyakapan sa burol ni Yzabel Ablan
Iwa Moto at Janna Dominguez, emosyonal na nagyakapan sa burol ni Yzabel Ablan
Source: Facebook

Ilang araw na rin ang pagbabahagi ni Iwa ng kanyang pangungungulila kay Izabel na naging malapit sa kanya noong naging magkarelasyon sina Iwa at ang ama ni Yzabel na si Mickey Ablan.

Read also

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

Sa isang picture ay makikita pang nagyakapan sina Iwa at Janna habang pinagmamasdan si Yzabel na nakahimlay.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng pakikiramay sa mga naulila ni Yzabel na pumanaw sa edad na 20 taong gulang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Hindi minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa sa video ng anak niyang si Thirdy Lacson na nag-over-the-bakod. Ani Jodi, naniniwala siyang walang masamang intensiyon si Iwa sa kanyang pag-post. Dagdag pa niya, magkaibigan sila ni Iwa at sa tingin niya ay cute at funny ang video na ito ni Thirdy. Sina Iwa at Jodi ay hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan sa kabila ng kanilang kalagayan.

Nagbahagi si Iwa ng isang appreciation post para sa kanyang asawang si Pampi Lacson. Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting ama sa kanilang mga anak at isang mabuting asawa sa kanya. Aniya sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay nanatili silang magkasama at palagi umano siyang mananatili sa tabi ni Pampi. Alam niya daw na marami pa silang kakaharapin ngunit aniya ay palagi niyang pipiliin si Pampi.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate