Pokwang, pinayuhan ni Eugene Domingo kaugnay sa pakikipagrelasyon

Pokwang, pinayuhan ni Eugene Domingo kaugnay sa pakikipagrelasyon

- Nagbigay ng payo si Eugene Domingo para sa kaibigang si Pokwang pagdating sa pakikipagrelasyon

- Aniya, sana ay huwag itong sumuko pagdating sa pag-ibig dahil darating ang panahon na magkakaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak

- Bilang isa sa malalapit na kaibigan ni Pokwang hiling ni Eugene na may dumating na taong makakasama ni Pokwang hanggang sa pagtanda nito

- Sagot naman ni Pokwang hinihiling din naman daw niya iyon at kung hindi daw galing kay Lord ay huwag na lang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng payo si Eugene Domingo sa kaibigan niyang si Pokwang pagdating sa usaping pakikipagrelasyon. Sa panayam sa kanila sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Eugene na sana ay huwag sumuko si Pokwang.

Pokwang, pinayuhan ni Eugene Domingo kaugnay sa pakikipagrelasyon
Pokwang, pinayuhan ni Eugene Domingo kaugnay sa pakikipagrelasyon
Source: Youtube

Aniya, darating ang panahon na magkakaroon ng sari-sariling pamilya ang kanyang mga anak kaya sana daw ay may dumating na tao na makakasama ni Pokwang hanggang sa kanyang pagtanda.

Read also

Michelle Dee, pinabulaanang siya ang papalit na national director ng MUP

Sagot naman ni Pokwang, hinihiling niya rin sa panginoon iyon at kung hindi daw galing kay Lord ay huwag na lamang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel