Miss Grace kay PK: "Prove to your followers you have moved on by taking down my videos"

Miss Grace kay PK: "Prove to your followers you have moved on by taking down my videos"

- Hinamon ni Miss Grace ang ex niyang si Pambansang Kolokoy na patunayang nakapag-move on na siya

- Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Miss Grace na burahin nito ang mga videos niya sa channel ni PK kung saan kasama siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nag komento din si Miss Grace sa isang post ng KAMI patungkol sa post ni PK kaugnay sa pagmo-move on

- Sa kanyang nilabas na reaction video ay hiniling na rin ni Miss Grace na sana ay burahin na ang mga pictures at videos nito na kasama siya

Nagbitiw si Miss Grace ng isang hamon kay Pambansang Kolokoy. Aniya, patunayan nito na talagang nakapag-move on na siya sa pamamagitan ng pagbura ng mga videos sa channel nito na kasama si Miss Grace.

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Miss Grace kay PK: "Prove to your followers you have moved on by taking down my videos"
Miss Grace kay PK: "Prove to your followers you have moved on by taking down my videos" (With Miss Grace/Facebook)
Source: Facebook
Pambansang Kolokoy, prove to your followers you have moved on by taking down my videos with you from your channels. Thank you!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa kanyang nilabas na reaction video ay hiling din ni Miss Grace na burahin na ang videos na kasama siya lalo na sa YouTube channel nito at sa social media accounts niya.

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Read also

Miss Grace kay PK at Dawn Sherrine: "I hope you guys will last for 26 years"

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate