Cristy Fermin, nilinaw na wala umano siyang galit kay Vice Ganda

Cristy Fermin, nilinaw na wala umano siyang galit kay Vice Ganda

- Nilinaw ni Cristy Fermin na wala umano siyang galit kay Vice Ganda tulad ng inaakala ng marami

- Aniya, ang kanyang nagagawa ay bahagi lamang ng kanyang pagiging isang manunulat at taga-ulat

- Gayunpaman, nabanggit din niya ang napapansing pag-uugali ng "It's Showtime" host

- Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong napuna ni Cristy si Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang linaw ni Cristy Fermin ang pag-aakala ng marami na may galit umano siya sa It's Showtime host na si Vice Ganda.

Vice Ganda
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Mayroon umano kasing nagtanong sa kanya tungkol dito at sinabi naman niyang wala siyang sama ng loob sa komedyante.

"May nagtanong po sa akin mga kaibigan ko, ano ang galit mo kay Vice Ganda? Wala. Sagot ko diretso, wala. Galing sa konsensya, galing sa puso ko wala. Wala ping ginagawang anumang masama sa akin si Vice Ganda. Kaya lang bilang bahagi po ng aming trabaho bilang manunulat at humaharap sa inyo sa humaharap sa camera, pinapalakpakan po namin ng tama at amin pong pinapansin ang sa palagay namin at sa aming opinyon ay lumalabis ay kailangan lamang sa himpapawid."

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Gayunpaman, hindi naman naiwasan ni Cristy na maglabas ng saloobin ukol sa umano'y pinakikitang pag-uugali ni Vice ayon sa kanyang pananaw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"At sa akin ano, 'yung kayabangan ni Vice Ganda, pinaninindigan ko po 'yan. Mula't mula po talaga ay naturalesa na talaga ni tong si Vice Ganda ang kayabangan. Nang siya po ay sumikat nagkaroon ng milyones, Lalo pong nakadagdag yun sa lakas ng loob niya para magyabang. Pero yun po siya e. kailangan nating tanggapin na ang tao po, kapag ang naturalesa ay ganun na, kahit ano pong sabihin natin hindi naman siya susunod e. Walang kahit sino na pupwede siya mapagpahinuhod at magpapakumbaba. Naturalesa po ang tawag dun. 'yun na siya. Kakambal na po ng kanyang inunan ang kanyang kayabangan. 'Yun ang akin."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Toni Fowler: "Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko"

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica